• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binuko ang kanta ni Liza para sa kanyang ‘ex’: ICE, nagiging emotional ‘pag kinakanta ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang ‘Ice Seguerra, Videoke Hits’ na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.

 

 

Nagpa-survey pa sila sa type nilang marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang lumabas sa Top 4 ay ‘Torete’, ‘Build Me Up, Buttercup’, ‘I Love You Goodbye’ at ‘You’re Still The One’.

 

 

May binuko naman si Ice sa kanyang wifey na si Liza Diño tungkol sa ikaapat kanta.

 

 

Say ni Ice, “Kasi kanta ni Liza ‘yun sa ex niya.”

 

 

Dagdag pa niya, “bukod dun hindi naman mawawala ang ‘Dancing Queen’, ‘I Will Surive’, ’Total Eclipse of the Heart’ at ‘Halik’. At bilang Sharonian ako, titira ako ng ‘Bituing Walang Ningning’ at ’Sana’y Wala Nang Wakas’.

 

 

“Isa sa mga favorite memories ko, birthday ko ‘yun, nagpunta kami sa resort ng barkada namin. Eh, medyo lasing na ako, hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko nang kinanta ko ‘yung ‘Sana’y Wala Nang Waaks’, feel na feel ko talaga.

 

 

“Umiiyak ako habang kumakanta ako, kinakantahan ko ang asawa ko. Di ba ‘yun kanta parang ang daming pinagdaraanan ng tao. Parang feel na feel ko talaga, na ang daming sacrificies for you (Liza). Ganun ako mag-videoke, fun.”

 

 

Kaya naman ipinarinig ni Ice ang acoustic version ng kanta, na tumahimik talaga ang lahat upang namnamin ang mapuso niyang pagkanta, na tiyak kaming maraming tatamaan sa manonood ng concert.

 

 

Natanong naman ni Liza kung anong kanta ni Ice na kinakikikigan niya.

 

 

“Araw Gabi talaga. Kasi si Ice, kapag kinanta niya `yon, sobrang landi. Tapos meron talaga siyang part na kapag kinanta niya, ‘yung ‘nalalasing sa tuwa’ alam mong may iniisip siya sa loob, na it’s a private thing that we have,” kuwento ni Liza at kasunod dito ay nag-sample si Ice ng naturang kanta.

 

 

Samantala, inamin ni Ice na 50 na kanta ang pinaghahandaan niya sa ‘By Request’ segment na may live poll sa magaganap sa 2-day concert, kaya malamang magkaibang top 3 songs, kaya kaabang-abang.

 

 

Wala raw special guest si Ice sa ‘Videoke Hits’.

 

 

“Si Ice may special guest? Ayaw nga niyang pakantahin ang mga guest niya. Adik, parang hindi siya naggi-gig, every week.

 

 

“Ice really loves to sing. Gustong-gusto niyang pini-please ang audience niya. Pag gustong-gusto niya ang audience niya, naa-appreciate siya, tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya, kaya umaabot ng tatlong oras ang mga shows niya,” sabi pa ni Liza.

 

 

Ini-reveal na rin ni Ice na makakasama niya si Moira dela Torre sa bagong album na may 12 original songs na ire-release sa Setyembre 2024 at malamang may birthday concert din siya.

 

 

Samantala, sa intimate birthday party namin last April 24, sobrang nakaka-touch na si Ice ang nagsimula ng videoke, na kung saan kinanta niya ang ‘The Way We Were’ at ‘Evergreen’ ng favorite naming si Barbra Streisand na birthday ng araw na ‘yun.

 

 

May bonus pa, dahil nag-duet pa sila ni Liza sa awiting ‘Superstar’ ng Carpenters na fave singer din namin. Kaya sobrang saya and memorable ang aming post 58th birthday celebration.

 

 

Muli, maraming-maraming salamat, Ice and Liza!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis

    NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon.     Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range.   Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals […]

  • Diaz pormalidad na lang ng pagpasok sa Tokyo Games

    KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para  sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.   At sa pag-okupa sa No. 2 sa kasalukuyan, halos pasok na rin ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga […]

  • Garcia pinupuntirya na makaupakan si Pacquiao

    INEKLIPSEHAN halos ni Ryan Garcia ng Estados ang panalong seventh round technical knockout kay Luke Camp Bell ng Great Britain para makamit ang interim World Boxing Council (WBC) lightweight title nitong Linggo sa American Airlines Center sa Dallas, Texas.     Ito’y nang litanyahin niya bago pa magwagi na gustong makabangasan ang dakilang idolo niyang […]