• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA

SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.

 

 

Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.

 

 

Batay sa datos, nasa 58,000 hectares naman ng palayan ang lubhang naapektuhan dahil sa matinding tag-tuyot.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DA na umabot na sa P2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.

 

 

Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.

 

 

Nakapamahagi na rin ng P700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, P68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit P10 milyon naman ang naipamahagi ng Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.

 

 

Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Hamon ni PBBM kay Quiboloy: “Magpakita ka at harapin ang akusasyon laban sa iyo!”

    HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na lumutang, magpakita at matapang na harapin ang akusasyon na ibinabato laban sa kanya. Sa isang ambush interview, hiningan ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa pagkuwestiyon ng kampo ni Quiboloy sa motibo ng mga indibiduwal na nag-alok ng P10 […]

  • Sobrang grateful na, win or lose: KATHRYN, ‘di nag-e-expect sa kahit anong nomination

    KINUMPIRMA sa amin ng isang ABS-CBN insider ang pagbabalik Star Cinema ng aktres na si Kim Chiu.  Gagawa muli ng isang bagong pelikula ang aktres. Matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie si Kim under Star Cinema kaya for sure matutuwa ang mg tagahanga ng aktres. Ang huling pelikula ni Kim under Star Cinema ay […]

  • 4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

    APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na […]