• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natakot din sa kalalabasan ng test results: LUIS, na-clear na sa sakit na cancer

NA-CLEAR na sa sakit na cancer si Luis Manzano.

 

 

 

Pagkatapos na napansin ng hairstylist ni Luis na may bukol ito sa ulo, agad na nagpakonsulta at sumailalim sa biopsy ang TV host.

 

 

 

“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignant or benign,” ayon kay Luis sa kanyang latest vlog.

 

 

 

Inamin din ni Luis na medyo natakot siya sa kalalabasan ng test results.

 

 

 

“Do I feel okay? Yes. Apat na doktor na ang nagsabi na malabo-labo talaga na it’s cancerous or kung ano man may konting kaba? Siyempre kasi i-stitch yan e, isasama ko kayo sa procedure parang tatanggalan ng sample tapos 2-3 stitches so papanoorin ko kayo.

 

 

 

“But para sa akin ang main goal ko is to create awareness kasi napaka rami siyempre ‘yung mga binabantayan na mga nunal growth, kita yan sa mga katawan,” paliwanag pa niya.

 

 

 

Ang pinakamahirap daw ay yung waiting period para sa mga test results.

 

 

 

“Ito na ‘yung pinaka-mahirap sa lahat ng mga test, minsan ‘yung procedure itself hassle kung hassle given pero ang pinaka mabigat diyan ay ang pag-aantay ng results kasi malalaman to kung benign ba to or malignant I think five to seven days kapag binigay na ‘yung sample mas hassle ‘yun mas hassle ‘yung ganung stress na ‘yun in fact, ‘yung nakita kanina ‘yung pinost ko kanina sabi ‘yung mga buhok na andon is already a good sign in itself pero ipapadala pa rin to be sure so hoping and praying.”

 

 

 

***

 

 

 

MAS marami pang mga Pinay beauties ang magkakaroon ng chance na makasali sa Miss World Philippines dahil sa bagong franchise holder nito sa USA.

 

 

 

Sa post ng MWP via Instagram, ang McLelland Entertainment Production An Elite Chateau Inc. was named as the official franchise holder for the Filipino community in the United States. Sila ang pipili sa Filipino community ng United States’ representative to the Miss World Philippines competition.

 

 

 

Locally, marami ng franchises ang MWP sa Western Visayas, Cebu, Bukidnon, Olongapo City, Zambales, Pangasinan and Bataan.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Suzara nanawagan kay Tolentino

    PINAKIKIUSAPAN ng National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibahin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na  international federation (IF) para sa sport.   Isinalaysay ni NESFP President Ramon Suzara […]

  • Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo

    Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.     Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at […]

  • 3 pang karagdagan Academic Centers, itatayo sa Valenzuela

    PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking at capsule-laying ceremonies para sa tatlong karagdarang Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) na itatayo sa Brgy., Gen. T. de Leon, Marulas at Mapulang Lupa para sa pangarap na nito gawing “Reading City” ng lungsod.     Ang tatlong itatayong mga proyektong ito ay naglalayong […]