• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaki ang utang na loob niya kina Abby: LEANDRO, inalala ang ginawang pagti-trip sa kanya ni ROSANNA

INALALA ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinagtripan siya ni Rosanna Roces sa photo shoot ng pelikula nilang “Patikim Ng Pinya” na ipinalabas noong 1996.

 

 

 

Nakachikahan namin si Leandro sa bahay niya sa Paete, Laguna at sa kanyang gallery noong Biyernes, May 3.

 

 

 

Kuwento actor tungkol samga eksena nila ni Osang, “Kung makikita n’yo yung unang pictorial namin, parang gulat ako!

 

 

 

“Nakaganu’n ako (dilat na dilat), naka-briefs ako. Paano naman itong si Osang, e, di nakaibabaw sa akin si Osang. Kinaskas naman nang kinaskas!”

 

 

Dagdag pa niya, “Hindi ko sinabing inintensyon niya. Kasi hindi ko alam kung ano ba yung tama. Kasi hindi ko alam kung talagang lumapat or whatever. Basta’t ang naramdaman ko, iba! Siyempre first time. Aba, p*t@ng ina! Ha-hahaha!”

 

 

 

“Yung 18 years old ako noon, siyempre mapusok pa ako. Saka hindi ko alam…e, ano pa naman, hindi ko makakalimutan yung panty ni Osang du’n, yung lace. Kaya mababaliw ka talaga kay Osang!” sabi pa niya.

 

 

 

Inamin ni Leandro nabaliw-baliw din siya noon kay Osang.

 

 

 

“Lahat naman! Lahat naman, oo, lahat. Sobra, sobra!”

 

 

 

Pero paglilinaw niya, walang nangyari sa kanila noong ginagawa ang kanilang movie?

 

 

 

“Wala, wala. Wala, hindi ko natikman ang pinya! Ha-hahahaha!”

 

 

 

“Actually, para niya akong kapatid na bata,” dagdag pa ni Leandro.

 

 

 

Nabanggit din niya ang dating leading lady na si Abby Viduya, na nakasama naman niya sa launching movie nitong “Sariwa” (1996) bilang si Priscilla Almeda.

 

 

 

Naging malapit na kaibigan din daw niya ang aktres.

 

 

 

“Parehas din lang naman. Kaso si Osang, nandu’n yung pagka-ate, e. Na ganito, ganito. Guide, guide, guide. Guide ka, kasi batang-bata pa ako noon.

 

 

 

“So, kaya nga nu’ng natapos ang kontrata niya sa Seiko, kinuha niya kaagad ako,” kuwento pa ng aktor na ang tinutukoy ay ang pelikulang “Katawan” ng Viva Films na ipinalabas noong 1999.

 

 

 

Noong natapos daw ang kontrata nila ni Osang sa Seiko ay nakagawa na sila ng mga pelikula sa iba’t ibang production company.

 

 

 

“Du’n sa Christopher de Leon movie niya, Katawan. Kinuha niya agad ako, Viva. Hindi niya ako nalilimutan talaga,” sey pa ni Leandro.

 

 

 

“Kaya sabi ko everytime na nai-interview ako, malaki ang utang na loob ko kay Osang, kay Abby. Lalo kay Abby, malaki ang utang na loob ko. Kasi yung Sariwa, si Abby ang pumili na ako ang magiging leading man niya. On the spot.

 

 

 

“Kaya sinabi ni Boss Robbie (Tan ng Seiko Films), ‘O, Priscilla, ha? Si Jeff (Jeffrey Baldemor ang tunay na pangalan ni Leandro) ba, ayos ba sa yo?’

 

 

 

“‘Opo, gusto ko po siyang maging leading man sa aking launching movie, Sariwa,’”

 

 

 

Noong 2022, muling nagkasama sina Lendro at Abby, ang GMA primetime series na “Lolong” na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

 

 

 

Ipinagmalaki naman ni Leandro na ang isa sa mga obra niya bilang sculptor ay inspired ng pagsasama nila ni Osang sa pelikula.

 

 

 

Na-immortalize nga ng aktor ang loveteam nila ni Osang sa pamamagitan ng isang artwork na inukit niya sa kahoy at naka-display ngayon sa kanyang bahay sa Laguna.

 

 

 

Active pa rin naman si Leandro sa showbiz pero ang talagang kinakarir niya ngayon ay ang pag-ukit at ilan sa obra ay ang iba’t ibang imahen ni Hesukristo, Mama Mary at mga santo, action figures at marami pang iba.

 

 

 

Kaya naman si Leandro rin ang napili ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gumawa ng bagong tropeo ng The EDDYS.

 

 

 

Gaganapin sa July 7, 2024 ang ika-7 edisyon ng The EDDYS kaya abangan ang unveiling ng bagong trophy na maiuuwi ng mga winners at special awardees.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • IATF, hinihintay ang desisyon ni PDu30 sa paggamit ng face shield – Roque

    HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 response ukol sa face shield requirement.   “Meron na pong desisyon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself,” dagdag […]

  • ADB bibigyan ng pondo ang 4 na DOTr projects

    ANG Asian Development Bank (ADB) ay nakatalagang aprubahan ang funding para sa apat (4) na priority projects ng Department of Transportation (DOTr).   Ayon sa Manila-based na multi-lateral bank, nakahanay na para aprubahan ang EDSA Greenways Project, South Commuter Railway Project, Davao Bus Project at ang MRT 4 Line mula Ortigas papuntang Rizal province.   […]

  • Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

    SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.     Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee […]