• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas

HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.
Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek na si alyas “Nap” sa harap ng kanilang bahay sa Bicol Area, Brgy. Tanza 2.
Kapwa umano umawat sa naturang pagtatalo ang mag-ama hanggang sa pumasok ng kanilang bahay ang suspek.
Gayunman, nang paglabas ng suspek ay armado na ito ng patalim at kaagad tinarakan sa dibdib ang anak bago mabilis na tumakas dala ang ginamit na armas.
Kaagad namang isinugod ang biktima ng kanyang dalawang kapatid na babae sa Navotas City Hospital subalit, idineklarang dead-on-arrival.
Sa ikinasa namang follow-up operation nina P/Lt. Roberto Furuc, Commander ng Navotas Police Sub-Station-1 ay nadakip ang suspek dakong alas-6:05 ng gabi na mahaharap sa kasong Parricide. (Richard Mesa)
Other News
  • Administrasyong Marcos, tuloy ang trabaho kahit Christmas holidays

    TULOY ang trabaho  ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  kahit pa holiday season.     Katuwiran ni Pangulong Marcos,  kailangan na mapabilis ang inisyatiba na naglalayong mapabuti pa ang buhay ng mga Filipino.     “Kahit sumampa na ang Christmas season at yung iba ay medyo vacation mode na, tayo ay patuloy pa […]

  • Maharlika Fund, magiging fully operational bago magtapos ang 2023

    INAASAHAN na magiging “fully operational” ang Maharlika Investment Fund (MIF), “very first sovereign wealth fund” ng Pilipinas  bago matapos ang taon.     Kumpiyansang ipinahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Maharlika Fund bill,  matapos na aprubahan ng Kongreso noong nakaraang linggo, in-adopt ang bersyon ng Senado sa  bicameral conference committee meeting, ay nakatakdang […]

  • Imee Marcos, pinasalamatan ni VP Sara para sa pagsuporta sa pamilya Duterte

    PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos para sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya kahit pa nauwi ito sa tuluyang pagkakaroon ng tampuhan ng mag-pinsan na sina Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     Sa naging mensahe ni VP Sara, sinabi nito na ‘proud’ ang kanyang sa pamilya sa […]