Top 7 most wanted person ng Caloocan, laglag sa selda
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki na nasa top 7 most wanted person ng Caloocan City matapos matimbog sa ikinasang manhunt operation sa naturang lungsod.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy”.
Bumuo ng team ang WSS, katuwang ang mga tauhan ng NDIT RIUNCR at Police Sub-Station 6 saka ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:20 ng madaling araw sa Kaunlaran Village, Libis Baesa, Barangay 160 Sta. Quiteria.
Ani Col. Lacuesta, inaresto ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez-Briones ng FC Branch 1, Caloocan City noong 12, 2024, para sa kasong Sexual Abuse under Sec. 5(b) of R.A 7610.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police dahil sa kanilang pagsisikap para tugusin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
3 patay, 5 sugatan; pag-ulan asahan pa rin – NDRRMC
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tatlo ang naitalang nasawi habang lima ang sugatan dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng habagat. Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa ang namatay matapos tamaan ng bumagsak na punong-kahoy habang dalawa ang natamaan ng kidlat. Dagdag […]
-
Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design
Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10. Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang […]
-
12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA
HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel. Ayon kay […]