• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña.
“The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges  for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon.
Ang alalahanin ay naungkat matapos na maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tag-tuyot.
“Naka-ready naman kami, but of course,  the long term, ang talagang solusyon dyan is ‘yung flood control,” ayon sa Pangulo.
“Aayusin natin ‘yung flood control, gagawin nating irrigation, mag-iipon tayo ng tubig para pagka naabutan na naman tayo ng tagtuyot, kagaya ngayon ay mayroon tayong pagkukuhanan ng tubig. There’s no need to do anything special,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sa paghahanda sa La Niña na sa pagtataya ay tatama sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Samantala, si Pangulong Marcos ay nasa Tacloban City para pangunahan ang pamamahagi ng 5,000 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Eastern Visayas, pagtupad sa kanyang pangako na makapagbigay ng lupang sakahan sa mga magsasaka na walang lupain. (Daris Jose)
Other News
  • TRAFFIC RE-ROUTING SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

    NAGLABAS  na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit (TEU)  sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na sa Tondo, Maynila dahil sa gagawing kapistahan ng Sto.Nino de Tondo sa Enero 17 . Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-3:00  ng madaling araw ng Enero 17 ,pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa […]

  • Kaabang-abang ang full trailer ng MMFF entry: Lakas ng ’Topakk’ nina ARJO, mararamdaman na ngayong Pasko

    “SA wakas!! Masaya kaming team TOPAKK na mapapanood niyo na lahat ito!!!   Kaya sa Dec 25, makipag-TOPAKKan na!!!! Damay damay na ‘to!”, ito ang caption ni Sylvia Sanchez tungkol sa ng announcement ang “Topakk” na entry sa 50th Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.   Caption sa social media post ng […]

  • Sa post ng GMA sa mga posisyon na available: DAVID, pabirong nag-comment ns mag-a-apply bilang isang account manager

    KAHIT busy sa maraming projects at sariling negosyo, mukhang gusto pang dagdagan ni Pambansang Ginoo David Licauco ang mga nakalista sa kanyang resume nang mag-comment ito kung puwede ba siyang mag-apply bilang isang account manager sa GMA.     Nag-post kamakailan ang GMA Network ng isang listahan ng mga posisyon na available para sa gustong […]