• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zubiri, tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang pangulo ng Senado

Tuluyan nang bumaba sa pwesto si Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Senate President. 
Ito mismo ang kinumpirma ni Zubiri, ngayong araw, Mayo 20, sa kanyang huling privilege speech bilang lider ng Senado.
Samantala, matapos magbigay ng valedictory speech ni Zubiri at magpasalamat sa kanyang mga kasamahan sa Senado, hinalal ni Senador Alan Peter Cayetano si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang bagong pangulo ng Senado at wala namang tumutol dito.
Matapos nito ay kinumpirma din si Senador Escudero bilang bagong lider ng Senado.
Pinangunahan ni Senador Mark Villar ang panunumpa kay Escudero kasama ang kanyang maybahay na si Heart Evangelista.
Bukod naman kay dating Senate President Zubiri, nagbitiw na rin sa pwesto ang ilang mga senador kabilang sina dating Majority Leader Joel Villanueva, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Nancy Binay bilang chairman ng Committee on Accounts, Tourism at Ethics, Sonny Angara bilang chairman ng Finance at Youth, at Senador JV Ejercito bilang Deputy Majority Leader.
Hindi naman lumagda si Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Sherwin Gatchalian para mapatalsik si Zubiri bilang lider ng Senado.
Labing apat naman na mga senador ang bumotong pabor upang maging Senate President si Senador Escudero.
Samantala, kanina rin sa plenaryo, nanumpa si Senador Jinggoy Estrada bilang bagong Senate President Pro Tempore at Senador Francis Tolentino bilang bagong Majority Floor Leader ng Senado.
Tiniyak naman ni Senador Escudero, bilang bagong Senate President ng bansa, na maipagmamalaki ang kanyang gagawing pamumuno sa Senado at kokonsultahin pa rin niya si Zubiri dahil mas malawak aniya ang karanasan nito sa pamumuno sa Senado.  (Daris Jose)
Other News
  • PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget

    MAY  Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng  revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite […]

  • South Korea, nag-alok na i- rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant-Research institute

    DAPAT na ikunsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng South Korea na i-rehabilitate o ayusin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na makatutulong na mapalakas ang power capacity ng bansa.     Sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla na ang alok ng South Korea na i-rehabilitate ang planta ay nagkakahalaga ng […]

  • Pacquiao- Mayweather malabo na!

    WALANG  balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.     Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.     Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa […]