• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide

Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.

 

Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.

 

Iginiit ni Mapa na ang mga impormasyon na malilikom sa census ay malaki ang maitutulong sa iba’t ibang pangkat ng gobyerno para sa pag-develop ng mga ito ng kani-kanilang mga programa, gayundin sa iba pang mga sektor ng lipunan.

 

Iba’t ibang pamamaraan ang gagamitin ng PSA sa census na gagawin sa buong buwan ng Setyembre bilang tugon sa hamon na hatid ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Mapa, magkakaroon ng option ang publiko kung sila ay payag sa face-to-face interview o gawin na lamang ito via telephone o online.

 

Maari rin aniya na sagutan na lamang ang self-administered questionnaire na personal na ihahatid ng mahigit 100,000 enumerators na magiikot sa buong bansa.

 

Tintitiyak rin ni Mapa ang mahigpit na pagsunod ng mga enumerators sa health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan.

 

Mahigpit din aniya ang kanilang koordinasyon sa mga local government units patungkol naman sa mga high-risk areas, para sa mga necessary adjustments na kanilang maaring gawin.

 

Binigyan diin ni Mapa na lahat ng mga malilikom na impormasyon sa census ay highly confidential at hindi magagamit sa ibang paraan.

 

Mababatid na base Batas Pambansa Bilang 72 at Executive Order 352, obligado ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng census of the population and household kada 10 years . (Daris Jose)

Other News
  • LEARNING TO PLAY THE VIDEO GAME – AND WIN! – WAS MOST CHALLENGING FOR “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” ACTOR ARCHIE MADEKWE

    THE film Gran Turismo: Based on a True Story came to Archie Madekwe’s radar through a chance encounter.      “I met with one of the writers almost a year earlier [before he was cast]. He told me a story I had never heard before, and I was taken aback when I was sent the material – […]

  • Panibagong COVID-19 surge babala ng OCTA

    BINALAAN ng independent OCTA Research Group ang mga Pilipino na posible pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido […]

  • Prangkisa ng ABS-CBN, pagkatapos ng SONA uusad – Cayetano

    MAAARING sa pagtatapos na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte na magsimula ang pagtalakay sa aplikasyon ng ABS-CBN na ma-renew ang prangkisa nito.   Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano dalawang opsyon ang kanilang tinitignan kung kailan magsasagawa ng pagdinig ang House committee on legislative franchise.   “There are two […]