Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities.
Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil sa coronavirus pandemic.
Simula pa noong Hunyo, inalok na ng SUCs ang kanilang mga campus sa local governments para magamit bilang quarantine facilities.
Tinatayang may 20,000 locally-stranded individuals, asymptomatic patients, at suspected COVID-19 cases ang napagsilbihan ng campus na ito.
Ang paggamit aniya ng campuses bilang quarantine facilities ay pinayagan lalo pa’t hindi naman pinayagan ang in-person classes ngayong taon.
Tiniyak naman ni De Vera na ang skeleton workforce na nangangailangan ng physically report sa mga eskuwelahan ay ligtas dahil tanging bahagi lamang ng campus ang ginagamit bilang quarantine facilities.
“Sinigurado sa pagpili ng facility na ito ‘yong pinakaligtas na bahagi ng pamantasan,” anito.
Idinagdag pa ni De Vera na binigyan ng pondo ng komisyon ang mga state universities upang patuloy na makapag-produce ang mga face masks, face shields at disinfectants.
Ang financial assistance ay gagamitin rin para makapag-provide ng psychosocial assistance sa mga students at faculty members.
Samantala, sinabi ni De Vera na may 731 mula sa 2,400 higher education institutions (HEIs) ng bansa ang nakatakdang magsimula ng klase ngayong Agosto.
“The CHED has implemented a “rolling opening of classes” where universities and colleges start the academic year depending on their readiness to implement remote methods of learning,” ayon kay De Vera. (Daris Jose)
-
Ads February 10, 2024
-
PBBM, ipinag-utos ang paglikha ng panel na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer. Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international […]
-
20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study
AABOT sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan. Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na […]