Chooks-to-Go Pilipinas sinimulan na ang ensayo
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang kanilang ensayo.
Sinabi ni Eric Altamirano, ang commissioner ng liga, bago magsimula ang ensayo ay dumaan ang mga manlalaro sa COVID-19 test.
Mula noong Lunes ay natapos ng magpa-COVID-19 test ang mga manlalaro ng Zamboanga Peninsula Valientes, Gapan Chooks, Bacolod Master Sardines at Family’s Brand Sardines ng Zamboanga City.
Nitong Miyerkules naman ay sumalang sa testing ang Nueva Ecija Rice Vanguards, Pasig-Sta. Lucia Realtors, Palayan City Capitols at Porac-Big Boss Cement Green Gorillas.
Sa Susunod naman na linggo ang ibang koponan gaya ng Bicol Volcanoes, Sarangani Marlines, Val City Classic at iba pa.
Dagdag pa na magiging staggered din ang gagawing ensayo.
Mahigpit ang ipinatupad na health protocols gaya ng pagpirma nila ng contact tracing.
Inaasahan naman na magsisimula ang mga laro sa Oktubre 2 para sa kanilang President’s Cup na gaganapin sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.
-
Pagkakasama ni Espenido sa drug list, walang epekto sa anti-drug war – Palasyo
WALANG epekto sa anti-drug war ng administrasyon ang pagkakasama ni P/Col. Jovie Espenido sa narco-cops list ng PNP. Matatandaang si Espenido ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-drug war matapos manguna sa mga operasyon laban sa mga sinasabing drug lords at protectors. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, alam […]
-
Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms
BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng isolation rooms. Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution 157. “The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for […]
-
Mahigit 3K na indibidwal nakabenepisyo sa 2-day free theoretical driving course ng LTO
SA ISINAGAWANG 2-day free theoretical driving course ng Land Transportation Office, lagpas 3,000 katao ang nakiisa. Dahil sa kamahalan ng driving course na isang requirement para makakuha ng driver’s license ay sinamantala na ito ng mga tao. Umaabot raw ng halos 1,200 pesos ang gagastosin sa kurso kaya naman para sa […]