• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, arestado

INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency  dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante .

 

 

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng Maanyag International Manpower Corp sa Paranaque City. Ang kanilang pasaporte at iba pang mga travel documents ay hawak din nila sa pangamba na isusumbong sila sa pulisya  kung aalis sila.

 

 

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-CCD na nagresulta sa pagkaka-rescue ng 15 biktima.

 

 

Kinumpirma naman ng mga biktima ang nabanggit na mga reklamo at sinabi nila  kinakailangan umano nilang magtrabaho, kabilang ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ng mga kanilang office staff at pamilya nil ana siyang kabayaran sa kanilang mga dokumento, processing fee at airplane ticket pabalik sa kanilang probinsiya.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 of R.A. No. 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended); Section 4 of R.A. No. 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003); Estafa sa ilalim ng Article 315  ng Revised Penal Code; at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, all in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012)  ang kinakaharap ng mga inarestong opisyal at empleyado . GENE ADSUARA

Other News
  • Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

    Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.     Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup […]

  • Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

    ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]

  • Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

    NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod.     Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.     Maliban sa mga tablet na […]