• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-enjoy ang bonding nila ni Christophe: GLADYS, nag-hula hoop sa sikat na tourist destinations sa London

TUNAY ngang super sikat na ang pares overload queen na si Diwata . Pinagkaguluhan si Diwata ng mga businessman, mga celebrity at iba pa na nasa grand ballroom ng Okada Hotel.

 

 

 

Isa kasi si Diwata sa awardee ng katatapos na Asia Golden Icon awards 2024 naNag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge ng London at sa tapat ng Buckingham Palace. ginanap sa nasabing hotel.

 

 

 

Sa totoo lang from all walks of life ay nagpakuha ng larawan with Diwata including yung mga kilala na rin sa iba’t-ibang larangan na kapwa awardees ng nabanggit na award giving body.

 

 

 

Pinagbigyan naman ni Diwata ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya at sa totoo lang hindi na nakuhang kumain niya dahil sa sunod-sunod na nakapilang magpakuha ng larawan sa kanya.

 

 

 

Bukod kay Diwata present din ang mga binigyan ng parangal na sina Ara Mina, Shergyn Regis, VG Alex Castro, Atty. Lorna Capunan at iba pa.

 

 

 

Ang PMPC president na si Rodel Fernando ang recipient ng Asia’s Iconic Organization in the Phil. Entertainment.

 

 

 

In the absence of Pres. Rodel dahil busy sa hosting job niya sa Marisol Academy, kami nina BOD Mel Navarro at co-PMPC member Blessie Cirera ang tumanggap ng award na binigay ng pinamunuan nina Congw. Marissa Del Mar Magsino at ni Dr. Ybanez.

 

 

 

And in behalf of all the officers and members of PMPC maraming salamat Asia Golden Icon Awards.

 

 

 

***

 

 

 

SUPER hataw hanggang London ang paghu-hula hoop ni Gladys Reyes.

 

 

 

Kasalukuyang nasa London at ilang bahagi ng United Kingdom ang aktres kasama ang panganay na anak na si Christophe Sommereux.

 

 

 

Naimbitahan sila ng ilang mga kababayan natin doon para magpasaya sa ilang Filipino communities.

 

 

 

Si Gladys lang pala ang may Philippine passport, pero lahat ng mga anak nila ni Christopher Roxas ay may French passport, kaya makakaalis daw sila anytime dahil walang visa.

 

 

 

Sa kanyang social media post ay ikinuwento ni Gladys na sobrang happy daw siya sa panganay niyang anak dahil talagang total performer daw ito kapag nahilingang kumanta sa mga kaibigan nila roon.

 

 

 

“Alam mo si Christophe ang na-realize ko sa bonding namin as mag-nanay. Kasi parang two-in-one na, bonding na rin, kasi parang nag-show kami dito sa mga Filipino communities.

 

 

 

“Para siya nga yata ang mini me ko dahil he’s a people person. Tapos parang nagta-transform siya when he performs e. Pag nasa stage na siya, talagang all-out. Nakakatuwa lang kasi nae-enjoy niya ang pag-perform.

 

 

 

“In-enjoy talaga namin ni Christophe dito. Actually, punta kami ng Liverpool, dahil nga alam mo na, gusto niya yung history ng Beatles ganyan,” kuwento pa ni Chic-chic.

 

 

 

Banggit pa ni Gladys na isa rin daw sa na-enjoy niya ay ang pag-iikot nila sa iba’t-ibang tourist destinations ng London at hinataw niya ang galing niya sa paghu-hula hoop.

 

 

 

Nag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge ng London at sa tapat ng Buckingham Palace.

 

 

 

“Naisakatuparan ko rito sa London ang aking magiging ‘Gladys Knight’ yung pagiging concert queen, pero hula hoop concert queen ha?

 

 

 

“Actually, hindi ko na-pack ang aking hulahoop kasi mabigat talaga yung hulahoop. Pero luckily, meron palang naghu-hula hoop dito na mga kababayan natin. So, yun nga, sila nag-provide ng hulahoop ko.

 

 

 

“So, sabi ko talaga, parang isa sa mga wish ko e makapag-hula hoop sa isa sa mga iconic spots sa London, tulad ng Abbey road. Soon, I’ll be posting also sa mismong Tower bridge o tinatawag nilang London bridge sa Pilipinas.

 

 

 

“Pero actually, Tower bridge ang tawag nila dun. Tapos nag-hula hoop din ako habang nasa background ang Buckingham Palace, mga ganun.

 

 

 

“Kasi ano e, advocate tayo of fitness and hulahoop. So, inaano ko…because I wanna promote it a way to exercise and at the same time, masayang gawin,” pagkukuwento pa rin ni Gladys sa radio show ng katotong Gorgy Rula.

 

 

 

Sa susunod na linggo ang balik ni Gladys sa bansa at aayusin na ang dalawang pelikulang gagawin niya.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.     Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.     “We wish to […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

    DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., […]

  • PBBM, nakipagpulong sa Pinoy community sa US, nagpasaklolo at humingi ng suporta para sa turismo

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa  Filipino community sa New Jersey, USA.     Hinikayat niya ang mga ito na suportahan ang turismo at mamuhunan sa Pilipinas.     Hinarap ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na nagmula hindi lamang sa  New Jersey kundi maging sa New York at Canada na nagtipon-tipon sa  New […]