• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang mga bagong set of officers: HEART, nanumpa na bilang bagong Senate spouses foundation president

MUKHANG fresh at bumata ang aktor na si John Lloyd Cruz.
Halatang masayang masaya ang aktor sa kanyang present love ba si Isabel Santos.
Mukhang very proud ang aktor sa bagong karelasyon dahil ilang showbiz gathering na dinaluhan ay kasa-kasama niya ito.
Kasalukuyang inihahanda ni  John Lloyd ang sarili para sa proyektong gagawin niya with Direk Lav Diaz.
Isang matinding proyekto kung saan makakasama ni John Lloyd ang isang bigating artista na sa pagkakaalam ng source namin ay first time daw makakasama ng aktor.
Matandaang isa si John Lloyd Cruz na masipag na pumunta international film festival. Kung kaya basta may offer sa kanya for an international release ay mabilis na pinag-aaralan ito ni John Lloyd at kung okey sa schedule ay tinatanggap agad ng aktor.
Nang kamustahin kay John Lloyd ang paborito niyang ka-loveteam na si Bea Alonzo ay umaasa raw siya na masaya na rin ngayon ang aktres.
“I guess she is doing good, I wish her a happy life and more blessings to her career.” sey pa ni John Lloyd sa isa sa mga interview niya.
Samantala, umiiwas naman si John Lloyd magkomento sa demanda ni Bea kay Cristy Fermin.
Katwiran niya parehong malapit sa kanya ang dalawa.
***
ANG Kapuso aktres na si Heart Evangelista ang nahirang na CB president sa samahan ng mga asawa ng mga kasalukuyang nanungkulang senador ng Pilipinas.
Nanumpa si Heart kahapon, June 5 bilang Senate Spouses Foundation (SSF) president.
Kasama sa mga bagong set of officers ng mga mahal sa buhay ng mga nakaupong senador sina SSF Vice President  – Kathryna Pimentel – asawa ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III;
Secretary – Maricel Tulfo, anak ni Sen. Raffy Tulfo; Assistant Secretary – Mr. Neil Llamanzares, asawa naman ni Senator Grace Poe; Treasurer – Congresswoman Lani Revilla, siyempre asawa ni Senator Bong Revilla; Legal Counsel – DOJ Undersecretary Em Villar, asawa naman ni Sen. Mark Villar.
Public Relations Officers naman sina Mariel Padilla wife ni Senator Robin Padilla at Nancy dela Rosa, misis ni Senator Ronald dela Rosa.
Nagkaroon na ng first meeting ang SSF at Mismong si Heart ang nag preside, huh!
“Our very first meeting and as they say, coming together is just the beginning.♥?Excited to get down to work!Thank you for the warm welcome fellow senate spouses.♥?Ready to honor the challenge of working together and find ways to make our communities better and stronger.” bahagi pa ng post ni Heart, na may tagline pang #HeartOfTheSenate.
(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK

    NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan.     Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport […]

  • PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area

    GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses.   “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]

  • 116 bagong kaso ng COVID Delta variant, na-detect – DoH

    Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.     Dahil dito, mayroon nang kabuuang 331 Delta variant cases sa Pilipinas.     Maliban dito, mayroon ding 113 na bagong kaso ng Alpha, 122 naman ang bagong kaso ng Beta variant habang 10 ang […]