Partnership ng HP-Miru hangad ang malinis, maayos na 2025 Elections
- Published on June 7, 2024
- by @peoplesbalita
HANGAD ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng fully automated, malinis, at maayos na 2025 Midterm Elections.
Katuwang ang HP, handa ang Miru na gawing katuparan ang hangaring ito sa tulong ng makabagong Miru Election Management System (EMS) at Automatic Counting Machine (ACM), na sinusuportahan ng HP PageWide Advantage 2200.
Sinabi ni Arnon Goldman, General Manager -APJ ng Industrial Print ng HP, na ang HP PageWide Advantage 22000 ay resulta ng mahigit isang dekadang teknolohiya na subok na sa maraming larangan.
Inilarawan niya ang makina bilang “efficient at versatile.” Madali rin itong i-upgrade at hindi matatapatan ang kakayahan nitong palakihin ang kita para mapalago ang print industry.
Iprinisinta ang test ballots na gawa ng HP sa Düsseldorf, Germany noong Hunyo 3 para sa MIRU-COMELEC Day sa pinakamalaking printing equipment exhibition sa mundo, ang DRUPA 2024.
Kabilang sa mga dumalo sina COMELEC Commissioner Rey Bulay at Philippines Consul Cecille Joyce Lao sa trade event para matiyak na ang kalidad ng sistema ay akma sa panuntunan ng poll body at sa pangangailangan ng mga Pilipino
Sa kanyang mensahe sa event, sinabi ni COMELEC Chairman, George Erwin Garcia na ito’y patunay ng malawak na epekto ng teknolohiya ng printing.
“Sa parte ng COMELEC, ang mga makabagong teknolohiya sa larangang ito ay nagbibigay buhay sa karapatan ng taumbayan na mamili ng kanilang tadhana,” wika pa ni Chairman Garcia.
“Investing in two new HP PageWide Advantage 2200, reaffirms our commitment to Philippine Commission on Election ensures a seamless electoral process, promoting transparency and reliability. Empowering COMELEC with real time data and insights to maintain confidence and integrity throughout the election period,” wika ni Mr. Ken Cho, Vice President, MIRU Systems nang tanungin ukol sa hangarin nitong ipatupad ang pinamataas na pamantayan ng teknolohiya at suporta para sa maayos at malinis na 2025 Midterm Elections.
-
Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round
WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo. Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon […]
-
First artist na may apat na ‘Album of the Year’: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa 2024 Grammy Awards
BILANG beterana na sa showbiz, sinabi ni Janice de Belen na ang mahalagang aral na kanyang natutunan sa pagiging aktres ay ang pagrespeto sa oras ng iba. “Discipline. Listening. And coming on time. Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30. […]
-
Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco
PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan. Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]