PCG at counterpart, nag-usap sa pagpapatrolya sa labas ng EEZ
- Published on June 7, 2024
- by @peoplesbalita
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’.
Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Sinabi rin ni Gavan na napag-usapan din ang posibilidad na sila ay sasakay sa barko ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa high seas o karagatan na lampas na sa ating EEZ.
Wala pa namang timeline para sa posibleng joint patrols para ngayong taon, ayon pa kay Gava.
Kamakailan ay naglabas ng bagong regulasyon ang China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na arestuhin at ikulong ang mga papasok sa south China Sea kasunod ng Philippine civilian mission sa West Philippine Sea.
“Foreign suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days”, ayon sa media report. GENE ADSUARA
-
Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking. “Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, […]
-
Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike
Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021. Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na […]
-
IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA
INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020. Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments. […]