5 drug suspects tiklo sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela buy bust
- Published on June 8, 2024
- by @peoplesbalita
LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:21 ng hating gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust operation sa Reparo Road, Brgy 149, sina alyas Marlon, 20, (Pusher) at alyas Von, 27, (user), kapwa ng BagonG Barrio.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 4.3 grams ng hinihinalang high grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P6,020, isang P1,000 bill na ginamit bilang buy bust money, isang cal .38 revolver na kargado ng dalawang bala at dalawang cellphones.
Alas-10:30 ng gabi nang madakip naman ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue corner Kadima St., Brgy. Tonsuya, Malabon City si alyas Jay, 36, at nasamsam sa kanya ang aaboy 4.80 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P32,640 at buy bust money.
Sa Navotas, nalambat naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Matangbaka St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan bandang alas-12:12 ng hating gabi si alyas Mara, 30, (pusher/listed) at nakumpiska sa kanya ang 5.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,360 at buy bust money.
Habang natimbog naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa buy bust operation sa F. Bautista St., Brgy. Marulas, Valenzuela City alas-12:35 ng hating gabi si alyas Amang, 47, (SLI/Pusher).
Nakuha sa kanya ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,000.00, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 10-pirasong P1,000 boodle money, at P300 recovered money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 ang kakaharapin ng isa sa kanila. (Richard Mesa)
-
Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan
Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan. Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, […]
-
Hot meat, nabubulok na karneng manok nasabat
NAHARANG ng City Veterinary Office ang isang van na naglalaman ng higit sa 3,000 kilong nabubulok at mishandled na karneng manok sa labas ng Cogon market, Cagayan de Oro City, kahapon (Miyerkules) ng umaga. Nakasilid ang karne sa mga supot. Higit 1,000 kilo ng karneng manok ay nangangamoy at halos nabubulok na, habang […]
-
Ads December 21, 2022