Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.
“When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is not strictly a revenue measure—and that is the other provisions in the rationalization of fiscal incentives which involves policies,” ani Drilon.
“I think it can be forcefully argued that the rationalization of the fiscal incentive should not be a revenue measure and therefore the authority of the President on the line-item veto should not be existing,” dagdag nito.
Lahad pa ni Drilon na pahihinain nito ang kapangyarihan ng Kongreso.
Ang CREATE bill ay naglalayong bawasan ang income tax rate na 25 porsyento mula sa 30 porsyento at upang hatiin ang mga incentive na nakukuha ng isang kompanya.
Tinutulan naman ito ni Interpellating Senate Ways and Means Committee Chairperson Pia Cayetano na siyang sponsor ng naturang panukala.
“The rationalization of incentives is actually not alien to the subject matter of the corporate income tax. Because this addresses tax leakages and it is the reverse of increasing the tax, decreasing the tax,” saad ni Cayetano.
“In the early part of our interpellation, we emphasized the fact that this is foregone revenues. Thus, we need to rationalize because otherwise, these are tax revenues that are being exempted, not being collected, being given on a silver platter,” aniya.
Ngunit aniya bukas pa rin naman ito sa posibleng diskusyon patungkol dito.
Nakatakdang magsagawa muli ng debate sa Senado patungkol sa CREATE bill ngayong araw. (Ara Romero)
-
Maagang suspensyon ng trabaho sa Sept. 27, inanunsyo ng Malakanyang
INANUNSYO ng Malakanyang ang maagang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa darating na Setyembre 27 para mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makasama ang kanilang pamilya at makapagdiwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”. Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes, nakasaad […]
-
PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino. Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng […]
-
ESPINOSA AT KASAMA, TINANGKANG TUMAKAS SA NBI JAIL
TINANGKANG tumakas sa NBI Detention Center ang tatlong bilanggo na pinangungunahan ni Rolan “Kerwin” Espinosa. Sinabi ni NBI OIC-Director Eric B. Distor na napigilan ng mabilis at napapanahong pagkilos ng kanyang mga ahente ang pagtakas ni Espinosa at 2 pang bilanggo. “As soon as they received the info, they immediately acted […]