• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble

Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble.

 

Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs.

 

Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas siya ng depression at anxiety.

 

Kung mayroon aniyang pagkakataon ay lalabas na lamang ito sa NBA bubble.


Malaking nakatulong aniya sa ngayon ang pakikipag-ugnayan niya sa psychiatrist ng kaniang koponan.

 

Magugunitang ipinatupad ng NBA ang bubble type para sa mga manlalaro na hindi na lalayo at baka mahawa pa ng COVID-19.

Other News
  • DBM, naglaan ng P15.2B budget para sa DMW para sa taong 2023

    NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM)  ng P15.2 bilyong piso sa bagong itinatag na Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng panukalang  P5.268-trillion 2023 national budget.     Sa kalatas na ipinalabas ng DBM, sinabi nito na sa kabuuang halaga, P3.5 bilyong  piso ang inilaan sa   Office of the Secretary ng DMW. […]

  • Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na

    UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s re­gistration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.     Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan […]

  • 3 LRT 2 stations binuksan

    Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.   Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.   Ang […]