• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang ilang gay celebrities: KLEA, proud na ma-feature sa ‘pride month issue’ ng isang magazine

NAGHAHANDA na ang Sparkle actors na sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at Ken Chan para sa GMA Gala 2024 na mangyayari sa July 20.

 

 

Collaboration ng stylist na si Ivor Julian at designer na si Ryan Ablaza Uson ang susuotin ng tatlo.

 

 

Ayon kay Rayver: “Sabi ko lang sa kanila, na something classic, classy but unique. Favorite ko kasi ‘yung last year, e, so challenge na rin for them kung paano nila mas gaganda pa kaya ako excited.”

 

 

Para naman kay Derrick: “Bahala na ‘yung akin stylist d’yan. Gusto niya talaga mag-stand out ako kaya siya ang bahala.”

 

 

Para kay Ken: “Gusto ko ‘yung talagang plain ‘yung isusuot ko, walang masyadong nangyayari sa isusuot ko. And gusto kong ma-highlight ‘yung mga jewelries na isusuot ko for that night.”

 

 

Sinisigurado naman ng designer na si Ryan Ablaza Uson na dapper ang isusuot ng mga nasabing Kapuso actors.

 

 

“Our main goal is to make them look as dapper as they could. We really go on a timeless silhouette of suits.”

 

 

***

 

 

PROUD si Klea Pineda na mapasama sa Pride Month issue ng isang magazine.

 

 

March 2023 noong mag-out ang Kapuso actress at ipakilala via social media ang kanyang girlfriend.

 

 

Sa naturang magazine feature, nakasama ni Klea ang ilang gay celebrities na sina

 

 

Jonathan ‘Sweet’ Lapus, ESNYR, Sassa Gurl, Mimiyuuuh, at marami pang iba.

 

 

“Naging masaya ako, naging malaya ako. It still feels surreal to be part of Preview’s cover story this month alongside inspiring queer icons in the industry!

 

 

“Thank you Preview PH for giving us the space to shed light on queer representation! Happy Pride indeed!” caption ni Klea na napapanood sa teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

 

 

***

 

 

SA isang pambihirang pagkakataon, nag-reunion ang apat na members ng famous Swedish group na ABBA para tanggapin ang prestigious Swedish knighthood from King Carl XVI Gustaf and Queen Silvia.

 

 

Benny Andersson (77), Agnetha Fältskog (74), Anni-Frid Lyngstad (78) and Bjorn Ulvaeus (79) received the Royal Order of Vasa and are now Commanders of First Class for “very outstanding efforts in Swedish and international music life.”

 

 

Sumikat ang ABBA noong 1974 noong manalo sila sa Eurovision Song Contest para sa song na “Waterloo.” Ang iba pang big hits nila ay “Mamma Mia,” “Dancing Queen”, “Fernando”, “The Winner Takes It All” and “Gimme! Gimme! Gimme!”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pinas, nakatanggap ng 442K respirator masks mula Canada

    NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 442,000 respirator masks mula sa Canadian government .     Ang nasabing dami ng respirator mask ay first tranche mula sa 837,000 respirator face masks na bigay ng Canadian government sa Department of Health (DOH) bilang pagsuporta sa health care workers na nangunguna sa paglaban sa coronavirus pandemic.     Nagkakahalaga […]

  • IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

    INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.   Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at […]

  • PDu30, mas pipiliin ang Sinopharm vaccine

    MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s Covid-19 vaccine.   “He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque.   Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers.   Gayunpaman, […]