• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED nakiisa sa PSC, DOH, GAB; sumunod tayo sa guidelines

Nakiisa ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board, at Department of Health sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan  ng student-athletes sa gitna ng the coronavirus disease 2019 pandemic.

 

“Safety of our students is the topmost concern,” ani CHED chairman Prospero De Vera at hinimok ang lahat ng atleta na sumunod sa ipinatutupad na guidelines at safety protocols kaugnay sa pagdaraos ng sports.

 

Nag-ugat ang pahayag na ito makaraang umuugong ang usapin sa dalawang collegiate team na University of Santo Tomas (UST) at National University (NU).

 

Buhat pa noong quarantine, inabisuhan na ni De Vera ang mga estudyante sa kolehiyo na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.

 

Pinasalamatan ni PSC National Training Director Marc Velasco  si  De Vera at siniguro ang buong suporta ng ahensiya sa kaligtasan at kalusugan ng mga atleta.

 

“The PSC will always push to uphold the issuances regarding sports and physical activity and we are happy that CHED is a steady partner when it comes to sports in universities and colleges,” ani  Velasco.

 

Samantala, sa isang pagpupulong, sinabi ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) executive director Rebo Saguisag at Season 83 president Nonong Calano na nakatakda ang UST na tapusin ang imbestigasyon sa kanilang basketball squad.

 

“The fact-finding committee is wrapping up their investigation and will; be forwarding the result to the rector’s office tomorrow.

Other News
  • Kabisera ng marathon sa Pilipinas

    LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.   Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang […]

  • Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games

    TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings.     Ipinaaalam […]

  • Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA

    SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko.     Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez.     Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply […]