• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacers coach McMillan, sinibak; Spoelstra, nagalit

Matapos ang dalawang sunod na pagkatalo sa first round playoffs sa NBA conference, sinibak na ng Indiana Pacers ang kanilang pambatong coach na si Nate McMillan.

Kinumpirma ang pagkakasibak kay McMillan ni President of basketball operations ng Pacers na si Kevin Pritchard.
“This was a very hard decision for us to make; but we feel it’s in the best interest of the organization to move in a different direction,” ani Pritchard. “Nate and I have been through the good times and the bad times and it was an honor to work with him for those 11 years.”

Nakagugulat umano ang naging desisyon ng Pacers dahil noong August 12 ay inanunsyo ni Pritchard na binigyan nila si McMillan ng isang taong extension ng kanyang kontrata bilang mentor ng koponan.

Bago bigyan ng contract extension, pinuri ni Pritchard si McMillan dahil sa abilidad nitong dalhin sa playoffs ang koponan sa kabila ng maraming manlalaro ang nasa listahan ng may injury gaya ni Victor Oladipo at All-Star forward Paul George.

Ikinagalit naman ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang ginawang pagsibak kay McMillan.

“It seems totally ridiculous,” ani Spoelstra. “It seems like you’re talking out of both sides of your mouth. Just two weeks ago at the beginning of our series, you’re giving him an extension – but really it’s just a media fake extension to appease whatever they felt like they needed to appease.

Other News
  • Mga guro, non-teaching personnel obligadong magparehistro sa PhilHealth– CHED

    Ginagawang requirement sa ngayon para sa mga guro at non-teaching personnel na makikibahagi sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad ang pagpaparehistro sa PhilHealth, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).     Sinabi ni CHED Executive Director IV Atty. Cinderella Jaro na ang hakbang na ito ay magtitiyak na kapag tamaan man […]

  • Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’

    AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers.     Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]

  • Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

    Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.     Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.     “My role […]