• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela

HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas ‘Ley’, 68, kaya inutusan niya ang WSS na bumuo ng team para hulihin ang akusado.

 

 

Sinabi pa ni Col. Cayaban, itinuturing ang akusado bilang ‘most wanted person’ sa Lungsod ng Valenzuela bunga ng mga kinakaharap na kasong may kaugnayan sa panghahalay at iba pang uri ng kalaswaang ginawa sa kanyang menor-de-edad na biktima.

 

 

Kasama ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station, agad ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:30 ng Martes ng hapon sa Zone 1-A, Bernardo Compound, Barangay Palasan.

 

 

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong June 14, 2024, para sa kasong Statutory Rape (3 counts) Sexual Assault (4 counts) at Acts of Lasciviousness in rel. to Sec. 5(b) of R.A. 7610 – Child Abuse Law.

 

 

Pansamantalang nakapiit sa detention facility unit ng Valenzuela Police Station ang akusado habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)

Other News
  • Sumisipsip daw kay Coco para mapasama sa ‘BQ’: SHARON, napikon at ‘di pinalampas ang akusasyon ng basher

    MASAYANG nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol kina Coco Martin at Julia Montes: “Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!!  Happy si Mommy ‘mysha’ @monteskjulia08 @cocomartin_ph  “P.S.  I become close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’S Ang Probinsyano towards the end of 2021. “Whatever they may have gone […]

  • PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

    KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.   “I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” […]

  • Duterte, sa puwet magpapabakuna

    Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulo dahil hindi siya sa braso tuturukan.     “I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.     Nauna rito, mismong si vaccine czar at […]