• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.

 

 

 

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy at upang mai-promote ang climate action initiatives para sa kapakanan ng mga residente.

 

 

 

Aniya, sa ngayon ay solar powered na ang tatlong gusali ng Quezon City Hall na bahagi ng suporta ng QC-LGU sa Environmental Initiatives ng pamahalaan para sa energy conservation, kabilang sa may mga solar panel ang High-Rise Main Building, Legislative Building at Treasury Building.

 

 

 

Habang ngayong 2024, mahigit sa 1,000 solar panel ang plano ng QC-LGU na ilagay sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, Novaliches District Hospital at Quezon City General Hospital, gayundin sa Culiat Elementary School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, New Era High School, at Tandang Sora Elementary School.

 

 

 

Sa nasabing programa, makatitipid kada taon ang lokal na pamahalaan ng P1.5-M sa gastusin sa kuryente at ang matitipid ay gagamitin umano sa pagmamantine at rehabilitasyon ng anim na Day Care Centers o apat na Health Care Centers.

 

 

 

Plano rin ng QC LGU at Meralco na magkaroon ng One-Stop-Shop sa City Hall upang mapabilis ang adoption ng Solar Energy at Net-Metering Applications ng mga residente. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • 2020 democracy index result, isang patunay na buhay at gumagana ang demokrasya sa Pilipinas

    HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas.   […]

  • GRUPO NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA VIP VACCINATION

    NANAWAGAN ang isang grupo na imbestigahan ang ginawang vaccination sa ilang opisyal ng gobyerno kasunod ng tahasang pag-amin ni  Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine.   Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga […]

  • Navotas solon kabilang sa “Top 3 Perfroming Representatives”

    KASAMA si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa mga “Top Performing Representatives” ng bawat distrito ng bansa sa isinagawang “job performance” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).     Base sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey, nanguna sina Sandro Marcos (95.8%), Kristine Singson (95.6%), Duke Frasco (95.6%), Pablo John Garcia (95.2%), […]