GRUPO NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA VIP VACCINATION
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang isang grupo na imbestigahan ang ginawang vaccination sa ilang opisyal ng gobyerno kasunod ng tahasang pag-amin ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine.
Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ng isang co-convenor ng CPRH na si Dr.Josh San Pedro na nakakalungkot na mayroong VIP vaccination lalo’t maraming health care workers ang patuloy na nag-aabang sa mga bakuna.
Dismayado rin ang doctor lalo pa’t ang Sinopharm ay hindi dumaan sa proseso o hindi otorisado ng FDA na gamitin sa pagtuturok.
Kailangan umanong malaman ang katotohanan sa nangyaring VIP vaccination upang makampante ang mga mamamayan.
Mahalaga ring magtiwala ang publiko sa vaccination program ng pamahalaan kaya marapat na siyasatin ng FDA ang usapin nang walang pagtatakpan.
Una na ring sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na kasama sa iimbestigahan ang nangyaring pag-amin ni Mon Tulfo na siya ay naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 noong nakaraang taon. (GENE ADSUARA)
-
4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan
PINAPLANTSA na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang […]
-
LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG
NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit. Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na […]
-
Christmas Tree pinailawan sa Valenzuela
NAGNININGNING na mga awiting pamasko, dancing fountain, at kumikinang na mga paputok ang matatanaw sa Valenzuela City People’s Park kasabay ng pagpapailaw ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng 2022 “Tuloy ang Progreso” Tree of Hope, bilang dedikasyon sa 8,000 masisipag na empleyado ng city hall. Kasama nina […]