• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin

HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.

 

 

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan.

 

 

Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng gobyerno na idulog ang usapin sa global body.

 

 

“That’s not yet in consideration because I think this is a matter that can easily be resolved very soon by us. And if China wants to work with us, we can work with China,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Winika pa ni Bersamin, chairman ng National Maritime Council (NMC) na hindi pinag-usapan ng body ang panawagan na Mutual Defense Treaty (MDT) sa nangyari ng second meeting, araw ng Biyernes.

 

 

Gayunman, inanunsyo ng NMC ang naging rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpapatuloy ng “routinary at regular rotation and reprovision (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila ng nakagagalit na aksyon ng Tsina.

 

 

Aniya, ang anunsyo para sa RORE missions ay gagawin bago pa ito isagawa.

 

 

Hindi naman kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang insidente bilang armed attack, ayon kay Bersamin sabay sabing “it may be a misunderstanding or an accident.”

 

 

Napaulat na may 8 Filipino servicemen ang nasugatan sa nangyaring June 17 hostile incident. Subalit, nilinaw ng NMC na isa lamang ang nasaktan.

 

 

“The Council recognizes a peaceful, stable, and prosperous West Philippine Sea (WPS) and South China Sea (SCS) is still a distant reality,” ayon pa rin kay Bersamin.

 

 

Tinuran pa nito na pumayag ang Konseho sa policy recommendations para sa konsiderasyon ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Tax-exempt shopping purchase ng returning OFW’s at mga balikbayan, gawing $6,000

    NAIS  ng isang mambabatas na maitaas sa $6,000 ang tax exemption ng mga overseas Filipino workers at mga balikbayan kapag mamimili o magsa-shopping sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism.     Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa House bill 647 na panahon na para i-upgade ang benepisyo ng […]

  • Ads October 23, 2020

  • PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief

    PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP).     Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024.     “Police Major General Rommel Francisco […]