• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll Holiday sa Cavitex simula sa July 1

ALINSUNOD sa ipinag-utos  ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ay inaprub na ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na magkaroon ng 30 day free passage sa mga tollways  ng Cavitex.
Ibig sabihin mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barriers sa mga toll booths kaya hindi mababawasan ang RFID load ng mga motorista at walang sisingilin sa mga cashlanes.
Ipatutupad ito ng PEA Toll Corporation bilang operator  ng cavitex.
Ang CAVITEX ay ang nagiisang tollways na 100 percent pag-aari ng pamahalaan.
Ang CIC naman ang in charge sa infrastructure development at financing.
Ipinakita ni Pangulong  BBM na sa Bagong Pilipinas ay una ang taong bayan. Bagamat kinikilala ng administrasyon ang kahalagahan ng private sector sa mga proyekto na kasama ng pamahalaan- interes pa rin ng taumbayan ang una sa puso ni BBM.
Pinasasalamatan din ni PRA Chairman Atty. Alex Lopez ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla at si Senator Bong Revilla sa kanilang mga suporta.
Tinatayang higit sa 170,000 na mga vehicle passages ang maililibre ng toll holiday na daan daang libong pasahero ang sakay.
Other News
  • Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests

    ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.   Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga […]

  • Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1

    Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.     Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.     Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis […]

  • PBBM, bibisitahin ang Brunei, Singapore sa susunod na linggo

    NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungong Brunei Darussalam para sa isang state visit at Singapore para naman sa defense summit sa susunod na linggo.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Maria Teresita Daza na nakatakdang bumiyahe sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza […]