Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.
Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga paliparan at pantalan, mga indibidwal mula sa mga swabbing facilities at lokal na pamahalaan, frontline health at government workers at iba pa na kasama sa ‘expanded testing’ ng Department of Health (DOH).
Inumpisahan ang pagpapatigil mula nitong Oktubre 14 at mananatili hanggang hindi nakababayad ang PhilHealth ng bill na aabot na sa P1,014,975 kung saan P930,993 ang ‘overdue’ na balanse.
Magpapatuloy naman ang COVID testing ng PRC sa mga indibidwal na nag-book sa kanila sa pamamagitan ng kanilang 1158 helpline, online, mga pribadong kumpanya at organisasyon at mga lokal na pamahalaan na direktang magbabayad. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Director David F. Sandberg, Shares Production Update on ‘Shazam! Fury of the Gods’
DIRECTOR David F. Sandberg has shared an update on the production status of Shazam! Fury of the Gods. Based on the DC Comics character of the same name, Sandberg’s first Shazam! movie came out in 2019, becoming an instant hit among audiences thanks to its entertaining blend of humor and heart. The movie […]
-
Executive branch, may malaking papel sa pagkaka-aresto sa magkapatid na Dargani
SINABI ng Malakanyang na kailangan ding bigyan ng kredito ang Executive department sa pagkaka-aresto sa Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Senate security personnel sa Davao City. Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives ang magkapatid na Dargani. Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa […]
-
WHO, suportado ang third Covid-19 dose
INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable […]