• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair

BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses.

 

 

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t-ibang industriya.

 

 

 

 

Mahigit 300 Navoteños na naghahanap ng trabaho ang nag-aplay sa naturang mega job fair kung saan umabot sa 212 individuals ang hired on the spot.

 

 

 

 

Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.

 

 

 

 

Bumisita naman si Mayor Tiangco sa job fair saka binati niya ang mga natanggap kaagad sa trabaho at pinaalalahanan na pagbutihin nila ang mga trabahong kanilang natanggap. (Richard Mesa)

 

Other News
  • 3 PVL venue pasado na

    NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril.     Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa […]

  • PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA

    KINUMPIRMA  ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.     Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]

  • Barko ng Pinas, tinira ng tubig ng China Coast Guard

    TINIRA ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre, nitong Sabado.     Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela, nag-escort ang PCG ng mga barko na maghahatid ng pagkain, tubig, […]