• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro, hamon ng mga mambabatas sa bagong DepEd Secretary

HINAMON ng mga mambabatas ang bagong talagang Department of Education Secretary na agad solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro.

 

 

 

Welcome naman kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang appointment ni Senador Sonny Angara bilang kalihim ng DepEd.

 

 

 

“While it is good that a new DepEd Secretary has been named, we challenge Sen. Sonny Angara to hit the ground running and immediately address the education crisis in our country as well as the long-standing demands of teachers and education support personnel,” ani Castro.

 

 

 

Iginiit ni Castro ang pangangailangan sa agarang pagtalakay at aksyon ng bagong kalihim sa mga problemang kinakaharap ng edukasyon kabilang na ang isyu ng K-12 program.

 

 

 

Gayundin ang kondisyon ng mga guro at education support personnel tulad ng sahod at benepisyo

 

 

 

Umaasa naman ang mambabatas na ang eksperyensiya ni Angara bilang commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ay makakatulong para sa mga hakbang nito sa mga kinakaharap na isyu ng education sector.

 

 

 

“We expect Secretary Angara to utilize his insights from EDCOM 2 to implement much-needed reforms in our education system. The crisis in education requires immediate and decisive action. We in ACT Teachers Partylist are ready to work with the new DepEd leadership for the benefit of our learners, teachers, and the entire education sector,” dagdag ni Castro.

 

 

 

Sinabi naman ni Brosas challenged na dapat solusyunan agad ni Angara ang mga isyung kinakaharap ngayon ng education sector na bigo umanong masolusyunan ng dating kalihim na si Vice President Sara Duterte. (Vina de Guzman)

Other News
  • PBBM, nakipagpulong sa ICT executives

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at  South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang.     Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]

  • Mayroong parameters bago maibaba sa MGCQ ang quarantine classification

    MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa.   Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding makita ang kakayanan ng mga local government unit pagdating sa gatekeeping […]

  • PBBM, nagpaabot nang pagbati sa PSG ukol sa pagtatapos sa isinagawang VIP Protection Course

    NAGPAABOT nang pagbati kasabay ng pagpuri si  Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa  Presidential Security Group (PSG) hinggil sa ibinigay nitong serbisyo at ipinakitang dedikasyon  sa ngayon at sa nakalipas na taon.     Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos ukol sa pagtatapos sa isinagawang  VIP Protection Course ng PSG,  tinuran nito na hindi lamang  […]