P500 HAZARD PAY SA MGA EMPLEYADO NG MANILA CITY HALL
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
MAKAKATANGGAP ng P500 kada araw na hazard pay ang lahat ng city employee ng Maynila na nag report sa kanilang trabaho sa panahon nh enhanced community quarantine (ECQ)
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ,ito ay iyong nagsipag report na empleyado mula Marso 17 hanggang Mayo 15,2020.
Nabatid na ipinasa ng Manila City Council unanimously sa pangunguna ni Vice President Honey Lacuna, ang isang city ordinance na maglalaloob sa mga empleyado ng ‘COVID-19 hazard pay.
Ito umano ay bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga empleyado na makapasok sa trabaho sa kabila ng banta ng COVID19.
Nalaman na inaprubahan ng Manila City Council ang may P151 milyon para sa hazard pay.
Samantala nilinaw naman ni Council Majority leader Councilor Joey Chua na hindi kasama sa hazard pay ng Lungsod ang mga barangay officials dahil hindi naman sila ikunukunsidera bilang city employees.
Kung may pondo ang mga barangay doon dapat kunin ang kanilang hazard pay na hindi lalampas sa P500 kada araw alinsunod sa Administrative Order No.26 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte
na naging basehan ng pagpasa ng of Ordinance No. 8667.
Ayon kay Moreno,ang budget para sa ordinansa ay kukunin sa Personal Services and Special Activities fund at Maintenance at iba pang Operating Expenses ng siyudad.
Kabilang sa bibigyan ng hazard pay ang mga regular ,contractual o casual at job order na empleyado. (GENE ADSUARA)
-
Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment
NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines. Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]
-
PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE
INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival. Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT. Sabi naman ni Rod Singh, ang syang […]
-
‘Mass gathering’ sa dolomite beach ‘di pa dapat; pagbisita sa lugar i-regulate – DOH
Itinuturing ng Department of Health (DOH) na mass gathering ang pagpunta ng maraming mga tao sa dolomite beach sa Manila Bay sa mga nakalipas na araw. Kaya iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat nang i-regulate ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Environment and Natural […]