• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU

NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.”
“There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences niya, ‘yung mga taong mahal niya, bakit ganito yung mga nararamdaman niya sa puso niya, kasabay ng mga brainwashing ng mga taong nasa paligid niya.
“Talagang napakatapang niya po at talagang mahal na mahal niya po ‘yung pamilya niya,” sey ni Yassi na gusto ulit makatrabaho si Ruru Madrid sa isang bagong project.
***
BACK to dating after two years ang kontrobersyal na Hollywood actor na si Johnny Depp. And dine-date niya ay isang 28-year-old model named Yulia Vlasova.
Ayon sa People, nothing is official with the 61-year old actor at sa Russian model. Casual dating daw sila for now.
Huling nakita sa big showbiz event si Depp ay noong May 2023 sa Cannes Film Festival kunsaan pinalabas ang pelikula niya na Jeanne Du Barry.
Ang kanyang ex-wife na si Amber Heard ay huling napanood sa ‘Aquaman And The Lost Kingdom’. Naka-base na ito sa Spain kasama ang kanyang daughter.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson

    HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson.   Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson.   Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito.   Lumabas din sa kampo ni Holyfield […]

  • Suportado ng mga artista tulad nina Eric at Gladys: VILMA, parami nang parami ang nag-eendorso na maging ’National Artist’

    KAHIT may mga nagsusulong sa ama niyang namayapang si Dolphy ay suportado ni Eric Quizon ang nominasyon ng Star for All Seasons bilang National Artist.       Kung si Ate Vi raw ang gagawaran ng National Artist ay karapat dapat daw ang multi awarded actress.       “Ate Vi yan. Alam naman nating […]

  • Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA

    BAHAGI ng  tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items.     “This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.     Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng […]