• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO

Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines.

 

Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna para sa kanilang sariling mamamayan.

 

“Vaccine nationalism only helps the virus,” wika nito.

 

Aabot na umano sa 172 bansa ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa COVID-19 Vaccine Global Access Facility o COVAX Facility kung saan layunin nito na makapagbigay sa lahat ng bansa ng equitable access sa bakuna.

 

Ang pag-iinvest aniya sa COVAX Facility ay ang pinakamabilis na paraan upang tuldukan ang pandemic at siguraduhin ang sustainable economic recovery.

 

Inilunsad ito ng WHO katuwang ang Gavi, ang Vaccine Alliance, isang international group na kumikilos para i-promote ang vaccination sa mga developing countries.

 

Nakasaad sa website ng Gavi ang mga bansa na nagpakita na ng interes sa nasabing pasilidad, kasama na rito ang Japan, United Kingdom at Canada subalit hindi parte rito ang Estados Unidos at China.

Other News
  • Taxis humihingi ng P30 na flagdown

    ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya.       Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman […]

  • Arci at Kiray, pinagkalooban din ng award: NDMstudios, pinarangalan bilang ‘Best Independent Film Studio’ sa Japan Filmfest

    ISANG makasaysayang tagumpay ang nakamit ng NDMstudios sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.       Ang independent film studio na pinamumunuan ni Direk Njel de Mesa ay pinarangalan bilang “Best Independent Film Studio,” at nagmarka sa kasaysayan bilang unang independent film studio na naglabas ng anim na hindi pa […]

  • BBM bigong humarap sa disqualification hearing

    BIGONG makaharap sa pagdinig ng Commission on Elections First Division si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa tatlong ‘disqualification case’ na inihain laban sa kaniya upang mapigilang tumakbo sa 2022 Elections.     Kabilang sa mga dininig kahapon ay ang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), […]