• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA, nag-abiso ng pagkaantala sa pagpapalabas ng passport

NAG-ABISO ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng passports.

 

 

“This is due to the maintenance work that is being conducted by its service provider, APO Production Unit, Inc. (APO),” ayon sa DFA.

 

 

“The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that recent passport applications made last week have been affected by a system downtime,” sinabi pa ng departamento.

 

 

​”As a result, a few days of delay in the delivery and release of passports is expected​,” anito pa rin.

 

 

Pinayuhan naman ng DFA ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang consular office o foreign service post para sa karagdagang impormasyon.

 

 

Para sa iba pang katarungan at agarang bagay, maaaring kontakin ng mga ito ang ​DFA sa pamamagitan ng telephone number +632 8234 3488 o e​-mail sa pamamagitan ng:

 

DFA​ Aseana: passportconcerns@dfa.gov.phoca.concerns@dfa.gov.ph

 

Consular Offices (CO): https://dfa-oca.ph/transparency-seal/directory-of-consular-offices-co/

 

Foreign Service Post (FSP): https://dfa.gov.ph/about/dfa-directory/our-foreign-service-posts-dfa

 

Samantala, tiniyak naman ng ​DFA sa publiko na mahigpit na nakikipag-ugnayan ito sa APO upang masiguro na magpapatuloy ang normal services sa lalong madaling panahon.

 

​”We apologize for any inconvenience this may cause and appreciate your cooperation and understanding​,” ayon sa DFA. (Daris Jose)

Other News
  • Teves, binigyan ng 24 oras ultimatum ng House

    BINIGYAN ng ultimatum na 24 oras si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para pisikal na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics.     Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng nasabing komite sa pag-expire ng travel authority ni Teves noong Marso 9.     Sinabi ni committee chair Rep. Felimon Espares na hindi […]

  • PNP iniimbestigahan na ang umano’y ‘death threat’ kay former senator Bong Bong Marcos

    PINAIIMBESTIGAHAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y natanggap na death threat ni Presidential aspirant Bong Bong Marcos.     Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.     Humingi kasi ng tulong mula sa PNP ang kampo ng dating senador hinggil sa umano’y death threat sa kaniya.     Ayon kay […]

  • Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

    Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.     Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.     Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang […]