• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil magagalang at marespeto… RIO, pinupuri ang mga nakasama sa serye lalo na si RURU

PATULOY pa rin sa kanyang showbiz career si Rio Locsin na nagsimula noong late 70’s, na namayagpag bilang aktres noong dekada otsenta at nubenta.
Napapanood siya ngayon na toprating action series ng GMA, ang Black Rider, na magtatapos na ngayong Biyernes, July 26.
Dahil marami siyang nakakatrabahong mga batang artista, meron ba siyang good or bad experience sa mga youngstars natin ngayon?

“Hmmm… wala naman akong bad experiences,” umpisang sinabi ni Rio, “kaya lang magkaibang-magkaiba ang panahon namin ng pagtatrabaho at sa panahon ngayon ng pagtatrabaho.

 

“Kasi ang napapansin ko talaga noong panahon namin mas grabe ang disiplina sa mga artista.

 

“Ngayon medyo mas laxed kaya yung mga arista ngayon medyo lax din sila. Pero ako nga sabi ko nga sa taping namin kapag yung mga kabataang artista lumapit lang sa akin o mag-tanong, humingi ba ng opinyon sa akin, humingi ng advise readily ibibigay ko iyong hinihingi nila.

 

“Pero hangga’t hindi sila lumalapit sa akin sino naman ako para pangunahan sila?

 

“Pero iyon, gusto ko sana na ma-instill sa bawat bago o iyong ngayong mga kabataang artista yung disiplina.

 

“Kasi importante iyon sa isang nagsisimula at tsaka kung gusto mo talagang magtagal, disiplina sa trabaho mo, pagmamahal sa trabaho mo, at siyempre pakikipagkapwa-tao mo, importanteng-importante iyon,” pahayag ni Rio.

 

Ano naman ang masasabi niya sa mga kasama niya sa Black Rider, sa pangunguna ni Ruru Madrid at Yassi Pressman?

 

“Ay wala po akong problema sa kanila,” sagot ni Rio.

 

“Mababait po talaga lahat at tsaka magagalang, marespeto.

 

“Si Ruru lagi akong inaalagaan kasi mahihirap ang mga eksena namin e, lagi siyang nakaalalay.

 

“Kahit saang set po ako mapunta, sa unit 1, sa unit 2, sinuman ang mga kasama ko nakaalalay po sila sa akin, kasi senior citizen.

 

“Iyon po, inaalagaan nila ako. Pag mabibigat na eksena, ‘Okay ka lang po Tita? Okay ka lang po?’

 

“Naa-appreciate ko iyon kasi pag dumating ka sa edad ko ngayon parang, parang iba na ‘yung pakiramdam mo.

 

“Siyempre wala na yung kumpetisyon ano, number 2 mas gusto mo na lang na nakakatulong ka o nahihingan ka ng tulong imbes na magiging pabigat ka.

 

“Gusto mo namang lagi kang mag-i-impart ng knowledge, yung may mai-impart ka na makakatulong ka sa kanila. Kaya iyon ang kahit papaano sa maliit kong kakayanan ay sana ay naibabahagi ko sa kanila.”

***

GAGANAPIN ngayong Biyernes, Hulyo 26 ang Man of the World 2024 sa Samsung

Hall sa Ayala Circuit, Makati City kung saan dalawampu’t tatlong male candidates mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang maglalaban-laban para sa prestihiyosong titulo.

Ang mga bansang kasali kung saan nagguguwapuhan ang mga delegates ay ang

AUSTRALIA (Amith Singh Saini), BRAZIL (Cassio Miguel Leles De Souza),

CAMBODIA (Siphun Rith), COLOMBIA (David Alexander Linares Solis), COTE

d’IVOIRE (Desire Kouassi), CZECH REPUBLIC (Rostislav Prochazka), DOMINICAN

REPUBLIC (Junior Radhomes Mendoza Taveras), ECUADOR (Sebas Mora),

ERITREA (Paulos Tecle), FRANCE (Gwen Jegouzo), INDIA (Lavesh Mohan

Bharambe), INDONESIA (Arya Dimas Aditya), ITALY (Nicolas Maggi), KOREA (Kim

Minseong), MALAYSIA (Edison Ho), MOROCCO (Simo Mansouri), PHILIPPINES

(Kenneth Cabungcal), PUERTO RICO (Fernando Padin), SINGAPORE (Joyner

Canlas Samson), SPAIN (Sergio Avila Lopez), UNITED KINGDOM (Kazim Keskin),

VENEZUELA (Sergio Azuaga) at VIETNAM (Doan Cong Vinh).

Nagkaroon sila ng National at Swimwear presentation kamakailan sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila at talaga namang nakamamangha ang kanilang mga National Costumes.

 

Tatlo ang nanguna sa kompetisyon na ito, Gold ang India, Silver ang Philippines at kapwa naman Bronze ang Ecuador at Singapore.

 

Tinanghal namang Best in Arrival Costume ang France (Gold), Brazil (Silver), at Czech Republic (Bronze).

 

Tinanghal namang Press Favorite sa gabing iyon (na nagsilbi ring Preliminary Competition at Charity Gala) ang Philippines na ka-tie ang Venezuela (Gold), Ecuador (Silver) at France (Bronze).

 

May tagline na “Masculinity with Responsibility” ang Man of the World 2024 ay mula sa Prime Event Productions Philippines Foundation, Inc. (ROMMEL L. GONZALES) 

Other News
  • SHARON, malapit nang mahusgahan kung tama ba na tinanggap ang ‘Revirginized’ ni Direk DARRYL

    PINAG-UUSAPAN sa social media si Megastar Sharon Cuneta matapos ipasilip ang ilang eksena sa paparating niyang pelikula sa Agosto — at oo, ito na ata ang most daring role niya so far.     Sa kanyang Instagram posts nitong Linggo, ipinasilip ng 55-anyos ang ilang movie stills sa pelikula niyang Revirginized, kung saan binibigyan niya […]

  • Nadal, Djokovic at Williams nakalista na sa US Open tuneup games

    Lumahok sa US Open tune-up tournament sina top-ranked Novak Djokovic, world number two Rafael Nadal at Serena Williams. Ito mismo ang kinumpirma ng organizers ng ATP at WTA Western at Southern Open. Unang plano itong gagawin sana sa Cincinnati pero ito ay inilipat sa New York dahil sa coronavirus pandemic. Gaganapin ito mula Agosto 20 […]

  • PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

    PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.   Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.   Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon […]