• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng   South China Sea.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng  illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea.

 

Ani Sec. Roque, hindi isusuko ng Pilipinas ang  West Philippine Sea.

 

“Consistent naman po ang ating Presidente , he will not give even an inch of our national territory or sovereign rights to any other state,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nagprotesta ang DFA sa ginawang pagkumpiska ng China sa aggregating devices ng mga Filipinong mangingisda sa  Bajo de Masinloc, o mas kilala bilang Scarborough Shoal.

 

Para sa Pilipinas,iligal ang ginawang pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga payao ng mga mangingisdang Filipino.

 

Sa kabila ng walang ideya ukol sa overflights sa pinagtatalunang karagatan ay sinabi ni Sec.  Roque na ang mga Filipino, Vietnamese, at Chinese fishermen ay malayang makapangisda sa  Scarborough Shoal.

 

“Diyan po sa Bajo de Masinloc malinaw po lahat tayo pupuwedeng mangisda… ‘yan naman po ay kinikilala ng lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Siguro po opinyon ng Tsina ‘yan … We maintain that it’s part of our sovereignty or our sovereign rights,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya pa, ang kamakailan lamang na kaganapan sa South China Sea ay hindi naman makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.

 

“Hindi po magiging dahilan itong unresolved issue sa ating teritoryo bilang hadlang para isulong sa ating diplomatic bilateral relations with China, ‘yung mga bagay na pupuwede namang isulong, gaya ng kalakal at investments,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nangyari ang insidente noong Mayo sa 124 nautical miles na nasasakupan ng Palawan.

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na hindi sang-ayon ang Pilipinas sa patuloy na paglabas ng mga radio challenges ng China sa mga eroplano ng bansa na nagsasagawa lamang ng regular na pagpapatrolya.

 

Bagamat inaangkin ng Pilipinas ang shoal subalit naglabas ng kautusan ang arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands noong 2016 na walang bansa ang dapat kumuha ng sovereign rights sa Scarborough dahil ito ay traditional fishing grounds para sa mga Filpino, Vietnamese at Chinese fishermen.

 

Hindi naman kinikilala ng China ang nasabing ruling at inaangkin ang shoal dahil umano nasa 472 nautical miles ito na malapit sa probinsiya ng Hainan. (Daris Jose)

Other News
  • Hindi kasarian ang susi sa tagumpay – Magno

    MAGANDANG inspirasyon para sa kababaihan ang HUGOT ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno.   Sinalaysay nitong isang araw lang ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi aniya ang kasarian ng isang tao upang maabot ang mga pangarap o tagumpay.   “Ang importante kung may pangarap ka, […]

  • Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang

    INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang […]

  • Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia

    ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.     Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN).     Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR.     Ang Pilipinas ay napabuti […]