• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, Tsina umabot na sa ‘provisional arrangement’ ukol sa Ayungin missions

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Tsina sa isang “provisional arrangement” sa rotation and resupply (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

 

 

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kapuwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang kasunduan “will not prejudice each other’s positions in the South China Sea.”

 

 

“The Philippines and the People’s Republic of China have reached an understanding on the provisional arrangement for the resupply of daily necessities and rotation missions to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon sa DFA.

 

 

Kapwa naman kinikilala ng dalawang bansa ang pangangailangan na ‘i-de-escalate’ ang situwasyon sa South China Sea at pangasiwaan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ang DFA ng nilalaman ng kasunduan.

 

 

Ginawa ang kasunduan kasunod ng serye ng konsultasyon sa panig ng tsino, kasunod ng constructive discussions sa 9th Bilateral Consultation Mechanism meeting sa South China Sea noong Hulyo 2.

 

 

Ito naman ang unang normal na hakbang na napagkasunduan ng magkabilang panig hinggil sa Ayungin Shoal. (Daris Jose)

Other News
  • 3 players pinagmulta ng NBA dahil sa headbutting incident sa Mavs-Hornets game

    Pinatawan ng NBA ng multa ang tatlong mga players matapos ang nangyaring headbutting incident sa pagitan ng Dallas Mavericks at Charlotte Hornets kamakailan.   Ayon sa NBA, pinagmumulta ng $40,000 si Mavericks forward James Johnson, habang si Hornets forward Cody Martin ay may $25,000; at $20,000 naman kay Caleb Martin.   Nangyari ang insidente noong […]

  • Ads October 5, 2022

  • Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.   Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco […]