Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng toll o electronic road pricing sa main thoroughfare.
“Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente po yun,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, ipinaliwanag ni Transportation road sector senior consultant Alberto Suansing na layon ng ahensiya na resolba ang traffic congestion sa EDSA tuwing rush hour, kung saan nararanasan ito mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Dagdag ni Suansing, panukala pa umano ito sa panahon ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos.
“How does it work? Kagaya sa Singapore, mayroong kalsada doon na hindi ka pwedeng dumaan during peak hours. kung dadaan ka, magbabayad ka. as simple as that. ‘Yan ang road pricing,” sabi ni Suansing.
“Dinidiscourage natin ang paggamit ng certain roads at certain times. ‘Yan ang rationale behind that,” sabi pa ni Suansing.
Gayundin, gagamitan ng radio frequency identification (RFID) ang paniningil ng toll fee, ayon kay Suansing.
Subalit, binigyang-diin ni Suansing, na kailangan at dapat na ayusin muna ang pampublikong transportasyon sa bansa, bago ito maipatupad sa ngayon.
“Hindi magiging makatwiran sa motorista ‘yan na i-implement, tapos wala ka namang may maio-offer na maayos na alternative. Maayos na public transport system,” ayon kay Suansing.
Samantala, nilinaw ng DOTr sa isang pahayag, na hindi pa pormal na napag-uusapan ng kasalukuyang pamunuan ang iminungkahing toll fee sa EDSA.
“This is an idea/concept suggested by various stakeholders, but has not been formally discussed yet by the present DOTr administration,” ayon sa statement.
Kaugnay nito, binasura naman ng Department of Transportation, sa ilalim ng liderato ni Sec.Arthur Tugade ang nasabing proposal.
Samantala, pinalagan ng ilang motorista ang iminungkahi ng gobyerno na paglalagay ng toll gate sa EDSA tuwing rush hour.
Mariing tinututulan ng mga motorista ang pagkakaroon ng toll fee, pati na rin mga pasahero dahil anila, dagdag na gastos at pahirap na naman ito lalo na’t unti-unti pa lang nakababawi sa pamumuhay ang karamihan sanhi ng pandemya ng coronavirus. (Daris Jose)
-
Inaabangang movie version ng pumatok na BL series nina Kokoy at Elijah, malapit nang mapanood
FOR sure nag-trending ang ‘World Gameboys Day’ noong Sabado kung saan ipinagdiwang ng mga fans ng Gameboys ang unang anniversary ng first Pinoy BL series na pumatok sa mga tao. Siyempre kasamang nag-celebrate ng mga fans all over the world ang cast ng Gameboys namely Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Adriana So, Kyle […]
-
O Melhor Cassino Electronic Apostas Esportivas Do Brasil ᐈ Pin-u
O Melhor Cassino Electronic Apostas Esportivas Do Brasil ᐈ Pin-up Pinup Cassino Online Aqui No Brasil Slots Licenciados Content Jogos Nas Mesas Sobre Cassino No Flag Up Solicite Seu Bônus De Boas-vindas Novo Caça – Níqueljuicy Com Fse Bônus Licença Perform Cassino Pin Up Brasil Solicite Seu Bônus De Boas-vindas Novo Jogo Ao Vivode Um Fornecedor Top […]
-
ISTRIKTONG MASS TESTING, IPATUTUPAD SA MALABON
MAHIGPIT na ipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang istriktong mass testing kung saan maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs). Ito ang napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious […]