Philippine team nakahanda na para opening ceremony ng Paris Olympics
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
PLANTSADO na ng Philippine Team ang kanilang gagawing pag-martsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pangungunahan nina Pinoy boxer Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.
Hindi makakasama si Tolentino sa parada dahil pinili niyang umupo sa family section sa gilid ng River Seine.
Makakasama nina Paalam at Petecio ay sina kapwa boksingero na sin a Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, swimmers Kayla Sanchez at Jarrod Hatch, gymnast Aleah Finnegan at fencer Samantha Catantan.
Nakasakay naman sa bangka na nakatalaga sa Pilipinas sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at ilang sports officials Michael Angelo Vargas ng swimming, Marcus Manalo ngboxing, Cynthia Carrion Norton ng gymnastics, Patrick Gregorio sa rowing at Agapito “Terry” Capistrano sa athletics.
Hindi naman makakasama ang mga boksingerong sina Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco dahil naghahanda sila sa kani-kanilang laban sa araw ng Sabado habang si pole vaulter EJ Obiena ay nakatuon pa rin sa kaniyang pre-game preparations sa Normandy.
Ang mga tatlong weightlfters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ay hindi pa natatapos ang kanilang training sa Metz at nakatakdang dumating sa Olympic Village sa Agosto 6.
Kukumpleto sa 22-atleta ng bansa ay sina gymnast gymnasts Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, golfers Bianca Pagdangan at Dottie Ardina at judoka Kiyomi Watanabe.
Magsisimula ang Opening ceremony ng dakong ala-7:30 ng gabi sa Paris o 1:30 ng madaling araw sa Pilipinas ng Sabado.
Magiging makasaysayan ang nasabing Paris Olympics dahil hindi ito gagawin sa isang stadium at sa halip ay gagawin ito sa River Seine.
-
Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ipinaliwanag ang hindi pagsama ng ilang manlalaro na sasabak sa SEA Games
IPINALIWANAG ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang hindi pagsama ng mga pangalan na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Kasunod ito sa paglabas ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) ng bumuo ng final 12 ng national basketball team ng bansa ang Gilas Pilipinas. Ayon kay […]
-
50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA
Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19. Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), […]
-
Magsayo humahanap pa ng makakaupakan
PURNADA ang laban ni World Boxing Council – Asian Boxing Council (WBC-ABC) featherweight champion Jessel Mark Magsayo kasama ang MP Promotions nang magretiro na si Jose Haro ng Estados Unidos. “My kids don’t want (me) to fight anymore. It breaks my heart to say this but I’m retiring from boxing. I have too many […]