• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.

 

Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.

 

Sa Red Cross laboratory dadalhin ang swab samples para iproseso kung saan malalaman ang resulta pagkatapos ng tatlo hanggang apat na araw.

 

Ayon sa Grab ang proyektong ito ay gagawin at magtatagal ng dalawang buwan sa ibang lungsod sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ni Grab Philippines president Brian Cu na uunahin muna nila ang may 40,000 na aktibong mga drivers at riders. Kasunod naman ay ang may humigit kumulang na 20,000 na drivers na natitira at naghihitay pa ng kanilang permit para mag operate.

 

Dagdag pa ni Cu, upang mahikayat ang mga drivers na sumailalim sa swab testing, ang kanilang kumpanya ay magbibigay ng P10,000 na assistance kung nag positibo ang isang driver habang sila ay naka quarantine.

 

Ang project na ito ay sa pagtutulungan ng Grab Philippines kasama ang National Task Force for COVID 19 at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

 

“The initiative is part of the government’s expanded targeted testing protocol, which aims to test frontline workers,” wika ni BCDA chief at testing czar Vince Dizon.

 

Ayon sa kanya, sa bagong guidelines, ang mga frontline workers na nasa special concern areas ay qualified na sumailalim ng libreng COVID-19 testing.

 

Kasama rin dito ang mga workers na nagtratrabaho sa public transportation sector tulad ng jeepney, bus at tricycle drivers.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte sa Grab para sa ginawang pilot initiative sa Quezon City. Nagkaron naman ng ika-dalawang swab testing na ginawa  sa Amoranto Sports Complex.  (LASACMAR)

Other News
  • ICF world dragon boat meet kasado na sa Puerto Princesa

    Binasbasan ng International Canoe Federation (ICF) ang pagdaraos ng Pilipinas sa ICF Dragon Boat World Championships sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.     Ang event na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ay main qualifying meet para sa 2025 World Games.     Gagawin ng popular paddling sport ang […]

  • Ads September 1, 2023

  • Ravena paramdam na tuloy sa B.League

    UNANG bumulaga ang pasabog ng Shiga Lakestars napapirma na si Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX bilang Asian Quota player o import sa 6th Japan B.League 2021-22 nitong Miyerkoles ng hapon.     Ilang oras ang nakalipas, nilabas ng statement ang North Luzon Expressway na naggigiit na kailangang sumunod sa UPC o […]