• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagsulong kina Vice Ganda at Angel… DINGDONG, pasok na sa survey na puwedeng tumakbong Senador

MULI ngang lumitaw ang posibilidad daw na pagtakbo bilang Senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa darating na mid-term elections sa 2025.

 

 

 

Tuloy-tuloy pa rin kasi ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera lalo na nung katatapos na mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina, na kung saan namigay sila ng higit 700 relief packs.

 

 

 

Siyempre isang reservist ng Navy si Dingdong kaya tumulong ang aktor.

 

 

In fairness, pasok sa survey si Dingdong among sa mga senatoriables.

 

 

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagkandidato ni Dingdong kasama ang dalawa pa niyang kapuwa artista na sina Vice Ganda at Angel Locsin na sinasabing pantapat daw sa magkakapatid na Duterte na muling tatakbong senador.

 

 

***

 

 

MARAMI ang interesadong malaman kung ano na raw ang estado ng lovelife ng tinaguriang Asia’s Multi media Star na si Alden Richard.

 

 

Sa interbyu kay Alden ng King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay hindi deretsahang sinagot si Kuya Boy hinggil dito.

 

 

Pero may pangako ang best aktor ng 40th Star Awards for Movies.

 

 

“Honestly naman I enjoying my time. Pero….ito na lang, just to settle this question. Magpapa-presscon ako, pag mag-aannounce na ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” seryosong saad ng sikat na Kapuso aktor.

 

 

Dagdag pa ni Alden, na tatlong taon mula ngayon ay gusto na raw niyang lumagay sa tahimik.

 

 

Pinagpiyestahan pa rin naman hanggang ngayon ang patuloy na pagkaka-link sa “Hello, Love, Again” co-star niyang si Kathryn Bernardo, na kagagaling lang sa failed relationship last year.

 

 

Pero wala pa silang inilalabas na ano mang pahayag tungkol sa real-score sa kanila maliban sa makahulugang, “what you is what you get” na sinabi ni Alden sa isang panayam.

 

 

“She’s more mature now. She’s very much excited to try new things kaya nakakatuwa na sa proseso na yun magkasama kami, of course, while doing this film.” kuwento pa rin nj Alden.
Nasa Canada sina Alden at Kathryn para sa shooting ng “Hello, Love, Again”.

 

 

 

Ayon kay Alden, excited siya sa sequel na ito ng “Hello, Love, Goodbye”, na kumita ng PHP880 worldwide gross noong 2019.

 

 

 

Ito ang highest grossing Filipino film bago ito napalitan ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Rewind.”

 

 

Samantala si Alden nga ang tinanghal bilang Movie Actor of the Year para sa “Five Breakups and a Romance” at ka-tie niya si Dingdong Dantes para sa naman sa “Rewind”.

 

 

 

Labis ang pasasalamat ni Alden sa karangalang naipagkaloob sa kanya ng PMPC at Star Awards for Movies.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon

    NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.     Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]

  • NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN

    NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon. Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang […]

  • Pagkaka-aresto sa drug pusher sa San Miguel, Manila pinuri ni PBBM

    PINURI ng Malakanyang ang mga awtoridad sa pagkaka-aresto sa pinaghihinalaang drug pusher sa isang residential area sa Malacañang Complex sa San Miguel, Maynila.     Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang pagkaka-aresto sa drug pusher ay sumasalamin sa walang tigil at matatag na pagpapasa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at […]