• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino

HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional cage league.

 

Nang mag-disband ang dalawang team, nawalan na ng favorite team sa unang play-for-pay-hoop sa Asia ang aking tatay (Ramil Distrito Cruz).

 

Kaya nang mag-working student siya sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo, mag-correspondent na sa Balita,  at magsimulang mag-cover bilang reliever ni Flor Zaldy Perez sa Balita noong Mayo 1988, wala aniya siyang kinampihang team sa PBA.

 

Naging topic ko lang po ito ngayon dahil sa paghanga ng OD kay Joe Calvin Devance Jr. ng Ginebra dahil sa pag-aaral niya ng ating pambansang wika (Filipino o Tagalog) sa kasagsagan ng community quarantine ditto sa habang may COVID-19.

 

Mabibilang sa daliri ang hakbang na ito ng 38-anyos, may 6-7 taas na Fil-Am forward ng crowd favourite team.

 

Ang alam kong konektado sa PBA na talagang nag-aral ding mag-Tagalog, ayon sa aking papa ay si Meralco Bolts coach Norman Black.

 

Ginawa  ito ng 1989 PBA Grand Slam winner nang siya pa ang nagmamando sa Pop Co0la 800s ng RFM Corp. franchise noong 1997-99 sa paggabay ni team manager Elmer Yanga sa opisina ng kompanya sa Manda;uyong.

 

Ayon sa papa ko, kapag off-season ang PBA noon, 5-10 minutes niyang nakakausap sa landline telephone si coach Norman sa bahay niya. Ang misis niyang nanay ni dating PBA player Christopher Tan ang sumasagot sa telepono bago mag-uusap ng Tagalog ang ama ko’t si Black.

 

Kaya  saludo sa iyo ang OD Joe. Mabuhay ka!

 

***

 

Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon  o may nais po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa akin   sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Ipanalangin po nating lahat na matapos na ang  pandemya. Ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin po nating malakas ang ating pangangatawan at mabuti ang kalusugan.

 

Hanggang bukas po mga ka-PEOPLE’S Balita.

 

God bless us all! (REC)

Other News
  • Hirit na re-alignment ng P389-M fund sa Manila Bay rehab, malabo na – Palasyo

    BINIGYANG-diin ng Malacañang na huli na para i-realign ang P389 million pondo sa Manila Bay rehabilitation project.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kaya kinakailangan na tapusin na ito at malabo ng i- divert pa ang nakalaang pondo.   Una ng binabatikos ang Department of Environment and natural Resources (DENR) […]

  • Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM

    FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.     “Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa […]

  • Ravena maglalaro pa sa NLEX bago tuluyang sumabak sa Japan

    Maglalaro pa sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena sa season-opening ng PBA Philippine Cup.     Ito ay bago ang kaniyang pagtungo sa Japan para maglaro sa Shiga Lakestars team sa B-League.     Nagkausap na rin kasi ang 27-anyos na si Ravena at NLEX coach Yeng Guiao sa kasagsagan ng training camp nila […]