World Bank: 150-M katao, mas maghihirap sa katapusan ng 2021 dahil sa pandemya
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang World Bank na lalong mababaon sa kahirapan ang nasa 150-milyong katao pagsapit ng katapusan ng 2021 dahil sa coronavirus pandemic.
Base sa inilabas na biennial report on poverty and shared pros- perity ni World Bank President David Malpass, may karagdagang 88-milyon hanggang 115-milyon na mas maghihirap na mamuhay sa halagang $1.90 kada araw ngayong 2020.
Posibleng umabot pa ito sa 111-milyon hanggang 150-milyon sa katapusan ng susunod na taon.
Ibig sabihin, mamumuhay sa matinding kahirapan ang 9.1% hanggang 9.4% ng populasyon sa buong mundo.
Ito ay maihahambing sa 9.2% noong 2017 at kumakatawan sa kauna- unahang pagtaas sa extreme poverty percentage sa loob ng 20 taon.
Tinatayang pumalo sa 8.4% ang extreme poverty rate noong nakalipas na taon at inaasahang sasadsad sa 7.5% sa 2021 bago ang coronavirus pandemic.
Sinabi ni Malpass, posibleng mahigit sa 1.4% ng populasyon sa buong mundo ang lalong maghihirap bunsod ng pandemya at global recession, na maituturing na kabiguan sa develpment progress at poverty reduction.
Nakasaad din sa report na ang bagong “extreme poor” ay nasa mga bansang may mataas nang poverty rates pero 82% sa mga ito ay nasa middle-income countries kung saan ang poverty line ay ang kumikita ng $3.20 bawat araw para sa low-middle-income countries at $5.50 bawat araw para sa upper-middle-income countries.
Bagama’t nakatuon ang matinding kahirapan sa rural areas sa mga nagdaan, nadiskubre sa ulat ng World Bank na tumaas ang bilang ng mga naninirahan sa mga siyudad na naghihirap bunsod ng kawalan ng hanapbuhay na dulot ng COVID-19 lockdowns at reduced demand.
Ayon kay Malpass, kailangang payagan ng mga bansa ang capital, labor, skills at innovation para makapagbukas ng bagong negosyo at makakilos ang iba’t ibang sektor para maiangat muli ang ekonomiya matapos ang COVID-19.
“In order to reverse this serious setback to development progress and poverty reduction, countries will need to prepare for a different economy post-Covid, by allowing capital, labour, skills, and inno- vation to move into new businesses and sectors,” ani Malpass.
-
Manila Archbishop Advincula, nanindigang hindi mag-eendorso ng kandidato sa 2025 midterm elections
NANINDIGAN si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi siya mag-eendorso ng sinumang kandidato sa 2025 Midterm Elections. Ayon kay Advincula, welcome pa rin ang mga kandidato na pumunta sa Archdiocese of Manila ngunit hinding-hindi umano niya ibibigay ang kaniyang endorsement kaninuman. Ayon pa sa arsobispo, bukas siyang makipagkita sa sinumang kandidato ngunit […]
-
Sec. Cusi, nag-sorry dahil sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo
HUMINGI ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo. Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Cusi na kagyat namang naibalik sa normal ang suplay ng kuryente. Sa ulat, tumama ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon simula nitong […]
-
Ads January 7, 2022