• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibitiw sa puwesto ni DTI Sec. Pascual, inanunsyo ng PCO

INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Fred Pascual mula sa Department of Trade and Industry (DTI), epektibo Agosto 2, 2024.

 

 

Si Pascual ay babalik sa pribadong sektor.

 

 

 

Nauna rito, nakipagpulong muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pascual sa Palasyo ng Malakanyang para tanggapin ang pagbibitiw nito sa puwesto at kilalanin ang napakahalagang serbisyo nito sa paggabay sa restorasyon at transpormasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“His focus on MSMEs was absolutely correct, and we are beginning to see the fruits of that policy. We are sorry to lose him, but we respect his decision that this is the time for him to return to the private sector,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, kaagad namang sisimulan ang paghahanap ng magiging kapalit ni Pascual upang matiyak ang tuloy-tuloy na transisyon at pagpapatuloy ng mga inisyatiba ng departamento. (Daris Jose)

Other News
  • 95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT

    TINATAYANG  nasa 95% hanggang  96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.     “As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.     “I expect mga 100 million more or less, so […]

  • Mga pasaway na hindi magsusuot ng maayos na face mask, huhulihin ng pulis

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan na hulihin at i-detain sa istasyon ng pulis ang mga pasaway na hindi isusuot ng maayos ang face mask sa publiko.   Nais din ng Pangulo na imbestigahan ng mga ito at panatilihin ng 9 na oras sa police station.   Sa kanyang Talk To The People, […]

  • IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

    HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod […]