• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS

MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.
Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump.
Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.
Magugunitang nitong Sabado ng gabi ng makuha ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise.  Sa pagkakapanalo ni Caloy sa Artistic Gymnastics, Floor Exercise at Vault Final siya ngayon ang may hawak ng mga titulong “First Filipino Athlete to win two gold medals in the olympics, First Filipino Athlete to win two gold medals in a single olympics, First Olympic Medal for the Philippines in artistic gymnastic, First Male Philippine Athlete.
Pagkatapos ng kumpetisyon ay agad nagpasalamat  at narito ang mensahe ni two-time gold medalist Carlos Yulo sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya. ” Gusto ko pong magpasalamat sa pagpupuyat n’yo po, grabe po sa pag-take ng time po, na pagdasal ako, panoorin at subaybayan, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.  Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
Magpasalamat tayo sa Diyos kung anong meron tayo. God bless us all. Mag-ingat po tayong lahat. Sa mga taong naniwala sa akin talaga, para sa kanila ‘tong lahat.”
At mula sa People’s Balita, congratulations Carlos Edriel Yulo sa iyong makasaysayang panalo sa 2024 Paris Olympics, ang kauna-unahang Filipino Gymnast na nagwagi ng Olympic gold medal, hindi lang isa kundi dalawa pa,  ipinagmamalaki na namin, ang iyong kuwento ay inspirasyon sa bawat Pilipino.”
(M.R. Antazo)
Other News
  • Isko inialay ang parangal sa mga nagbuwis ng buhay

    INIALAY ni Aksyon Demokratiko at Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng frontliners na nagbuwis ng buhay noong kasagsagan ng pandemya ang tinanggap nitong pagkilala na “People of the Year 2022.”     Kinilala si Domagoso ng PeopleAsia Magazine dahil sa ginawang pagtugon at paglaban ng lokal na pamahalaang lungsod na kanyang […]

  • House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

    Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]

  • Ugas tataob kay Pacquiao sa rematch — Fortune

    Umaasa si strength and conditioning expert Justine Fortune na ikokonsidera ni People’s Champion Manny Pacquiao ang rematch kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas para sa kanyang final fight.     Gusto ni Fortune na muling sumalang si Pacquiao sa huling pagkakataon dahil ayaw nitong magretiro ang Pinoy pug ng ganun ganun na […]