• August 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OSAA, ipatutupad pa rin ang warrant of arrest laban kay Shiela Leal Guo

IPATUTUPAD pa rin ng Senate Sergeant at Arms ang warrant of arrest na inihain ng Senado laban kay Shiela Leal Guo.

 

 

 

Ito ang kinumpirma ni Senate Sgt-At-Arms Retired General Roberto Ancan na ipinadala ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

 

 

 

Nahuli ng mga otoridad sa Indonesia si Shiela Guo, ang kapatid ni Alice Guo at si Cassandra Li Ong, isa sa mga incorporators ng Lucky South 99 na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.

 

 

Ngunit bago ito maipatupad ay inabisuhan ang OSAA batay sa patnubay ng Department of Justice (DOJ) na isasailalim muna sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI sina Shiela at Cassanda para makapaghain na ng kaso laban kay Cassandra at makapagsagawa naman ng inquest proceedings ang Bureau of Immigration laban kay Shiela sa immigration charges.

 

 

Samantala, inatasan naman ni Escudero si Ancan na sumunod at ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa DOJ, NBI, BI, at PNP para sa maayos at mapayapang pamamaraan laban sa dalawang personalidad.

 

 

Gayunpaman, pinasalamatan naman ni Senadora Risa Hontiveros ang Indonesian authorities dahil sa mabilis na aksyon nito upang maaresto ang si Shiela at Cassandra

 

 

Inaasahan ni Hontiveros ang pagdalo nina Shiela at Cassandra ong sa ikakasang pagdinig ng tatlong komite sa Senado sa Martes, Agosto 27.

 

 

Giit ng senadora, mananagot ang dalawa sakaling hindi siputin ang ikakasang imbestigasyon.

 

 

Nakasentro naman ang pagdinig sa kung paano nakaalis ng bansa si Alice Guo.

 

 

 

 

(Daris Jose)

Other News
  • Speaker Romualdez, Tingog Party-list, DSWD sanib-puwersa sa pagtulong mga drayber, estudyante sa Bulacan

    PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan nitong Miyerkules.     Ang pamimigay ng tulong ay natupad sa tulong ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang programa ng […]

  • Ikinumpara ni Vivian sa mamahaling designer outfit ni Heart: MARIS, ipinagmalaki na nakarating sa New York ang kanyang ukay-ukay

    KINAGILIWAN ng mga netizens ang latest IG post ni Maris Racal na kung saan ang OOTD niyang white little dress ay nabili niya sa ukay-ukay.     Caption ni Maris sa kanyang larawan na kuha sa New York City, “My ukay ukay dress made it to nyc.”     Dahil sa ginawa niya, marami talagang […]

  • Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan

    SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan.   Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4.   May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit […]