• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr nagbago ang plano para sa MRT 3 at LRT 2

 

 

NAGBAGO ang plano ng Department of Transportation (DOTr) para sa unang napagplanuhan na isasapribado ang operasyon at pagmintina ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang isang bundle na lamang.

 

 

 

 

“We are having second thoughts on whether the concession should be bid out for the MRT 3 and LRT 2 as one package which was planned earlier. It might be premature to turn over the LRT 2 to the private sector, as the government has yet to stretch out the railway to its fullest potential,” wika ni DOTr undersecretary Jeremy Regino.

 

 

 

Ayon sa DOTr, hindi pa sila nakakakuha ng pondo para sa P10.12 billion na gagamitin sa pagpapalawak ng LRT 2 sa west na bahagi ng estasyon sa Recto na tinatawag na LRT 2 West Extension Project. Kung matutuloy, ang nasabing proyekto, itatayo ang mga karagdagang estasyon sa Tutuban, Divisoria at Pier 4 kung saan magbibigay ito ng serbisyo sa commuting demands sa western end ng metro.

 

 

 

Maliban dito, ang DOTr ay may plano rin na pahabain ang LRT 2 sa bahagi ng Rizal. Magkakaroon ng expansion kung saan ilalagay ang karagdagan 3 istasyon sa bandang eastern na bahagi ng istasyon sa Antipolo at tatagos hanggang Cogeo upang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa kalagayan ngayon.

 

 

 

“Bungling might be inappropriate this time for MRT 3 and LRT 2 because they have a different market and we need to rehabilitate and expand LRT 2. We will expand the LRT 2 to the west going to Manila South Harbor and expand it to the east to Cogeo to cater to the eastern part of Metro Manila,” saad ni Regino.

 

 

 

Dagdag ni Regino na kanilang nakita na kailangan na magkaroon ng magkaibang approaches sa pagsasapribado ng operasyon at pagmimintina ng nasabing dalawang rail lines kung kayat kailangan na bid out sila ng magkahiwalay at hindi dapat pagsamahin.

 

 

 

Dati pang sinabi ng DOTr na tinitingnan nila noon na dapat pagisahin na lamang ang concessions ng MRT 3 at LRT2 dahil gusto ng ahensiya na makuha ang interest ng pribadong sektor sa MRT 3 na gustong kunin ng mga malalaking infrastructure builders tulad ng Metro Pacific Group at San Miguel Corp.

 

 

 

Subalit, kung sakaling pagsasamahin ang MRT 3 at LRT 2 bilang isang bid, ang pamahalaan ay kailangan baguhin ang organization structure ng 2 rail lines. Maaring ilipat ng DOTr ang regulasyon ng MRT 3 sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na siyang ahensiya ng pamahalaan na may-ari at siyang nagpapatakbo naman ng LRT 2.

 

 

 

“We will firm up a decision on whether it will package the concessions of the MRT 3 and LRT 2 by the end of the year,” wika ni Regino.

 

 

 

Sa ngayon ang DOTr ay naghahanap ng pribadong korporasyon na interesado upang magmintina at mamahala sa operasyon ng MRT 3 dahil ang nasabing rail line ay magkakaroon na ng turn-over sa pamahalaan ngayon 2025 mula sa Metro Rail Transit Corp. dahil tapos na ang build-lease-transfer na kontrata sa pagitan ng pamahalaan at MRTC. LASACMAR

Other News
  • BEA, mas matunog at hula ng karamihan na magiging Kapuso na

    ANG dami na ngang naku-curious kung sino ang award-winning actress na magiging isang Kapuso na.      Dalawa ang naiisip — si Judy Ann Santos o si Bea Alonzo?     Pero sa dalawa, mas matunog talaga na si Bea ang hula ng karamihan na magiging isang Kapuso.     Ang isa lang nagiging kuwestiyon […]

  • Gin Kings wapakels sa papansin ni Slaughter

    DINEDMA lang ng kampo ng Barangay Ginebra San Miguel ang papansin ng dating higante nilang manlalarong si Gregory William (Greg) Slaughter.   Oktubre 6 o Martes nang magpaskil ng litrato sa Instagram si Gregzilla na nakabalik na ng Maynila mula sa Estados Unidos ng Amerika.   “It’s good to be back home!” caption niya.   […]

  • Bong Go: Walang oras, minuto na masasayang sa aking serbisyo

    “Mahal ko ang aking kapwa Pilipino, gusto ko pong magserbisyo sa kanila at pangako ko sa inyo, walang isang oras, walang minuto na masasayang, magseserbisyo ako sa inyong lahat!”     Ito ang ipinangako ni Senator Christopher “Bong” Go na naghain noong Sabado ng kandidatura bilang standard-bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan sa May […]