Gin Kings wapakels sa papansin ni Slaughter
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
DINEDMA lang ng kampo ng Barangay Ginebra San Miguel ang papansin ng dating higante nilang manlalarong si Gregory William (Greg) Slaughter.
Oktubre 6 o Martes nang magpaskil ng litrato sa Instagram si Gregzilla na nakabalik na ng Maynila mula sa Estados Unidos ng Amerika.
“It’s good to be back home!” caption niya.
Pagkaraan ayudahan ang Gin Kings na muling makopo ang trono 44 th Philippine basketball Association o PBA Governors’ Cup crown nitong Enero, pinasya ng 32 taong-gulang at may taas na 7-0 talampakang center na magpahinga muna sa pagbabasketbol.
Wala siyang nilagdaan bagong kontrata sa crowd favor- ite squad na nag-draft sa kanya bilang top pick overall sa PBA Rookie Draft 2013, naglamyerda muna ng US para aniya magmuni-muni.
Panya-pnay ang mga post ng Fil-Am na tubong Cleveland, Ohio ng videos nna nagwo- workout, nasa gym siya. Pero walang reaksyon ang PBA team niya at maging teammates.
Hawak pa rin ng Ginebra ang alas o karapatan sa basketbolista, pero hindi na para habulin siya dahil ang BGSM ang kawalan sa kanya at hindi siya ang kawalan sa Kings.
Pa-restart na sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga ang 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations na kinansela noong Marso dahil sa Covid-19. Hindi isinama ang kanyang pangalan ni coach Earl Timothy (Tim) Cone ang pangalan niya sa 15 manlalaro.
Sasalang ang mag-aalak kontra NorthLuzon Expressway o NLEX Road Warriors sa pangalawang laro sa Oktubre Oct. 11. (REC)
-
Ads November 12, 2021
-
PBA nakaabang na sa vaccine
Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross. “Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na […]
-
DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19
Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules. “Yes we are confirming […]