• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU

 

 

IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City.

 

 

 

Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na Monkey Pox o “MPOX”.

 

 

Ayon sa QC LGU, nabigo umano ang SECU Division ng City Health Department na makapagsagawa ng contact tracing sa F-Club bilang tugon sa kautusan ng Department of Health para sa posibleng mpox transmission.

 

 

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, ang pagtanggi ng F-Club sa isinasagawang contact tracing efforts ay nagpaantala sa pagtugon at imbestigasyon ng lokal na pamahalaan na maituturing na banta sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan ng lungsod.

 

 

Dahil dito, hinimok ni Mayor Belmonte ang may-ari ng establisimyento at ang mga residente na makiisa sa mga health event investigation ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ipinaliwanag ni Belmonte na ang bawat responsibilidad ay kanilang ginagampanan upang matiyak na maprotektahan at maging ligtas ang lahat ng mamamayan sa Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • 1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021

    TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.   Ayon kay  Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.   Sinasabing taong 2025 naman […]

  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]

  • Winnie The Pooh Horror Movie Image Reveals Young Christopher Robin

    NEW Winnie-the-Pooh: Blood and Honey images reveal a young Christopher Robin in the upcoming slasher film.   With Winne-the-Pooh now in the public domain, meaning that Walt Disney no longer holds exclusive rights to the characters, this allowed writer/director Rhys Frake-Waterfield to develop a demented reimagining of A. A. Milne and E. H. Shepard’s Winnie-the-Pooh […]