• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalawak ng Kadiwa stores, suportado ni Tiangco

 

 

SUPORTADO ni Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture na palawakin ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng posibleng franchising dahil sa potensyal nitong hikayatin ang pag-unlad ng MSME sa bansa.

 

 

 

“We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- and medium-scale entrepreneurs, we can expand livelihood opportunities and even create jobs across the country,” aniya.

 

 

 

Sinabi ni Tiangco na ang pagpapalawak ng mga operasyon ng Kadiwa Stores ay maaaring magbigay ng mga pagkakataong pangnegosyo, habang pinapatibay din ang pag-access sa abot-kayang mga pangunahing bilihin.

 

 

 

“With the administration’s direction of improving food production in the country, this approach can provide an end-to-end initiative that can improve food production and sustainability and market access for goods of Filipino farmers while offering an effective mechanism to mitigate inflation,” dagdag niya.

 

 

 

“I agree with Secretary Tiu Laurel’s statement that when President Bongbong Marcos took on the role of DA Chief at the start of his term, he was able to fully grasp the current situation of agricultural development in the country. This has led to numerous policies and programs which aim to modernize agriculture and improve food sustainability in the country,” sabi pa ni Tiangco.

 

 

 

Ani Tiangco, ang Kadiwa Program ay maaaring maging isa pang haligi ng programa sa pagsugpo sa kahirapan ng administrasyon kung mabubuksan ang franchise program nito sa mga small- and medium-scale entrepreneur.

 

 

 

Naniniwala siya na sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Tiu-Laurel, ang inisyatiba na ito ay maaaring gawing streamline sa kasalukuyang mga plano ng administrasyon para sa MSME development. (Richard Mesa)

Other News
  • Kahit sinasabing mahusay na dramatic actress: WINWYN, mas gustong malinya sa action genre kahit delikado

    SA kuwento sa amin ni Ms. Mel Tiangco, may mga pagkakataon na naaapektuhan siya sa kanyang mga subjects na tampok ang kuwento sa ‘Magpakailanman’.   “Tinamaan ako dun sa isang lalaking pag-upong pag-upo ko, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’   “Sabi niya, […]

  • GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’

    Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.   Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.   Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra […]

  • Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA

    INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor.     Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar.     “Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So […]